Chapter 35 Unit

588 18 0
                                    

Chapter 35

Unit

Pumasok na ako sa trabaho sa sumunod na araw. Papa is getting better, kunwari na niya akong pinapagalitan tungkol kay Javier ngayon. Noong nasa ospital ay wala siyang sinasabi tungkol kay Javier pero may isang beses kong nakitang naguusap sila. Hindi namnan na ako nagtanong.

"Aio! Nandito ka na! Sorry puro lang ako text ha? Ang busy dito. Kamusta si Tito?" Bungad sa akin ni Yeri pagdating ko ng opisina.

Ngumiti naman ako sa kaniya bago sumagot. "Medyo maayos na siya ngayon. May sessions siya for therapy kaya sana ay maging maayos na."

She sighed and smiled warmly, "Kung kailangan mo 'ko, tumawag ka lang ha? Pero magpapaalam muna ako kay boss bago ka i'rescue."

We both chuckled and proceed with our own seats. Ganoon din ang ginawa ng iba kong katrabaho. Dahil ilang araw akong wala ay panay ang pangangamusta nila. I appreciate it a lot. Noong highschool at college kasi ay walang alam ang ibang tao sa akin, kahit iyong mga classmates ko.

I don't usually talk to them so they would do the same. Kaya wala akong matinong kaibigan bago si Casimiro, puro acquaintance lang. Ngayon lang naman din ako natutong makisalamuha sa tao, and my job help me to it.

At lunch time, Kuya Giovanni Called me again to asked about Papa's condition. Wala siya sa bansa nang may mangyari kay Papa at kahapon lang siya nakauwi. He never failed to call though.

"Kuya Giovan..."

"How's Tito? I'll come with you on your second session in therapy. I won't be available until after Sunday."

I sat down at the cafeteria while talking to him, "Ayos naman si Papa. Hindi mo naman kailangan gawin iyon Kuya. Kaya ko na, alam kong madami kang ginagawa."

"I should do it as your older brother. And I would like to do it too. Update me on it, okay?"

Napangiti nalang ako at tumango ng magisa, "Okay. Uh... magt'text nalang ako sa'yo?"

I heard him chuckled and said okay before hanging up. Kakain na sana ako ng umupo si Yeri sa aking harap. Nakangiti siya ng malapad bago naningkit ang mga mata.

"Kausap mo boyfriend mo?"

Umiling ako at nagsimula nang kumain. Hindi ko alam kung ganito ba talaga siya kausyoso o sa akin lang dahil wala talaga siyang napapala sa buhay ko kaya lagi niya akong tinatanong ng ganito.

"Hindi. Pinsan ko." Diretso kong sagot.

Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha niya kaya natawa ako ng bahagya.

"Ang boring naman ng life mo!"

Hindi natahimik si Yeri sa buong oras ng pagkain namin. Madami siyang tanong at madami din siyang kwento kahit hindi ko naman siya tinatanong. She's pretty adventurous. Pati ang bago niyang boyfriend ngayon ay nakwento na niya.

She asked me to go to clubbing when I settled everything on my family. Um'oo nalang ako kahit ayaw ko talaga. I don't want to spoil her fun.

Nang matapos sa trabaho ay si Casimiro ang sumundo sa akin dahil nagpapasama ako sa pag'grocery sa kaniya. Matagal na rin kaming hindi nagkikita buhat ng dumalaw siya kay Papa noon kaya pumayag siya. Miss na din daw niya ako.

I told Javier about it. Gusto niya ay siya nalang ang sumama sa akin pero pinaliwanag ko na gusto kong makasama si Casimiro ngayon. He understood eventually, makulit lang talaga ang isang iyon pero pumapayag din naman.

"Kamuta cachorro?! Omg I miss you!" bumeso pa siya sa akin bago nagsimulang magmaneho.

I chuckled and buckled my seatbelt, "Na miss din kita. Buti pwede ka ngayon?"

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon