Chapter 5 Age

859 27 4
                                    

Chapter 5

Age

Huminto na ang ulan nang makarating kami sa bahay. He stopped the car in front of our house. Lumingon ako sa kaniya at nakitang nagmamasid siya sa akin. Nagiwas ako at inayos na ang bag.

"Thank you. Mauuna na ako." Mahina kong sambit.

He shifted in his seat. Binuksan ko na ang pinto at hindi na hinintay kung may sasabihin pa siya. I closed the door and walked faster. Nang buksan ang pinto nang bahay ay nandoon si Papa sa sala.

"Ang aga mo yata?" tanong ni Papa.

Naupo naman ako sa tabi niya at ngumiti.

"Baka abutan po kasi ulit ako ng ulan Pa. Kaya umuwi na ako."

Tumango naman siya sa akin. Buti nalang hindi nagtanong kung paano ako nakauwi. Tumayo ako at nagpuntang kusina dahil nandoon si Mama.

"Oh, nandiyan ka na pala."

"Tutulong na po ako sa inyo..." sabi ko nang makitang busy siya sa pagluluto.

"Ayos na ako dito Aio. Sige na at magbihis ka na."

I chuckled and nodded. Pumanhik ako sa taas at nagpunta sa aking kwarto. Nilagay ko sa kama ang laptop at nahiga sa tabi noon. Hindi pa nga pala ako tapos sa ginagawa ko. Nagbihis ako at naupo ulit sa kama pagkatapos.

I opened my laptop and continue what I'm doing. Napatingin ako sa bintana nang bumuhos na naman ang ulan. I can hear raindrops from here. Unti unti ako tumayo ay tumingin sa bintana.

Ang harapan nang bahay ang tanaw doon at ang malawak na lupain sa harap. Hindi ko alam kung kanino dahil wala naman nakatira sa harap namin. I opened the window and harsh wind welcomed me. Natawa ako at sinara iyon ulit.

Kinabukasan ay mas maganda ang panahon. Sumikat ang araw at unti unti ay natuyo ang basang daan. Pagdating ng tanghali ay naging malulam ngunit hindi naman maitim ang ulap. Nagpresinta akong bumili ng kailangan ni Mama sa pagluluto sa mga susunod na araw.

Wala naman na akong gagawin kaya ako na ang nagprisinta. I wore high-waisted fitted faded jeans and a white shirt.

"Sigurado ka bang ikaw na?" tanong ni Mama ng bumaba ako sa hagdan.

I smiled at her. Si Papa ay nasa farm kaya si Mama lang ang nandito.

"Kaya ko na Mama..."

Inabot niya sa akin ang lista ng kailangang bilin at ang pera.

"Magingat ka."

Sumakay lang ako nang tricycle hanggang makarating ng kabayanan. Kaagad kong pinuntahan kung saan mabibili ang mga binilin sa akin. Marami parin tao kahit maghahapon na, marahil dahil weekends.

Napalingon ako sa nakakatandang babae na nagpipilitan sa pagtawad. Nangiti nalang ako. Halos gulay ang pinabili ni Mama at koting prutas. Walang karne dahil madami pa daw kaya hindi naman ako nahirapan at konti lang ang bitbit.

Nang matapos ay napatingin ako sa relos. Maaga pa naman kaya pwede pa naman siguro akong maglakad lakad. Total hindi rin naman mainit dahil nagtatago ang araw sa mga ulap. Sa kabilang dako ng palengke ay may maliit na parke.

Madaming puno kaya mula dito ay hindi tanaw ang palengke. Maraming nagtitinda ng street foods at marami ding tao doon. Mga nakaupo sa benches at nag k'kwentuhan. I decided to sit on the bench near the river. Malapit sa river wall.

Dito sana lulubog ang araw kung hindi lang siya nagtatago ngayon. Aalis na sana ako nang may maupo sa tabi ko. I looked at him, and he's not familiar. Nagiwas ako at tumayo na. I got startled when he holds my wrist.

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon