Chapter 14
Picture
Javier:
Ang kulit mo.
Basa ko ulit sa text ni Javier habang nasa restroom ako sa La Granja at nagpapalit ng damit. Pumasok nga ako kinabukasan at nagpapalit na ako dahil tapos na kami sa araw na ito.
Hindi kami nagkita ni Javier dahil madami kaming ginawa kanina. Sinabi ko sa kaniya kaninang umaga na papasok ako at nang mapansin na marami kaming gagawin ay sinabi kong huwag niya akong pupuntahan.
Iyan ang reply niya sa akin na hindi ko na pinansin kanina. I hurriedly change my clothes and went outside. Nauna na ulit si Casimiro sa kotse dahil mabagal daw ako laging magbihis.
Mabilis akong pumunta doon at sumakay. Pagkasakay ay nagtype ako ng reply kay Javier.
Ako:
Pauwi na ako.
Hindi pa ako nakakapagseatbelt ay may reply na siya.
Javier:
Nag uupdate ka na. Improvement 'yan.
Hindi ko alam kung bakit imbis na mainis ay nangiti pa ako. I pursed my lips and buckled my seatbelt slowly. Iniisip kung anong dapat ireply.
"Kinikilig ka ba Aio? Jusko ang ngiti!"
Inirapan ko nalang si Casimiro dahil hindi naman talaga matanggal ang ngiti ko. Mahina ko siyang tinampal sa braso habang nag d'drive siya.
"Lahat nalang napapansin mo."
"Kapansin pansin naman cachorro! Naiinggit tuloy ang beauty ko."
Natawa na ako sa kaniya. Napalingon ako sa cellphone ng tumunog ulit iyon kahit hindi pa naman ako nagrereply.
Javier:
We should fix your late replies next.
I chuckled as I read his text. Napailing nalang ako dahil kahit ako, naninibago sa sarili.
"Cachorro! Huwag ka namang manginggit ng ganyan!"
"Ang OA mo talaga. If I know may kalandian ka naman ngayon."
"Ay hala, aware din naman siya!"
I make face and looked at my phone.
Ako:
Marami kasi akong ginagawa.
Javier:
Anong ginagawa mo sa kotse?
Ako:
Sa farm!
Javier:
Nahiya naman sa'yo ang boss mo. Mas busy ka pa.
Minsan talaga, mas mukha siyang bata sa akin. Natawa nalang ako sa reply niya. Hindi ko din alam kung bakit madami siya laging time? Hindi siguro ito nagt'trabaho ng maayos.
Ako:
Oo nga. Mukhang hindi nag t'trabaho ng maayos iyong boss ko.
Javier:
Ikaw kasi tinatrabaho.
I felt my cheeks flushed. Napahawak na ako sa mukha at tumingin sa bintana at tanawin sa labas. Ang mga salita talaga ng lalaking ito!
"Napano ka diyan?"
"Wala," agad kong sagot sa tanong ng katabi ko.
"Namumula ka! Nasobrahan sa kilig?"
BINABASA MO ANG
Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)
RomanceMacimilian Series #2 Azalea Iolanthe Escribaño likes to live in the soft wind and touch of their small flower land. Everything about her screams gentleness and sweetness. Hindi maipagkaila na isang babaeng hindi makabasag pinggan. Despite her unreco...