Chapter 16 Adjust

592 19 0
                                    

Chapter 16

Adjust

The following days felt dreamlike. Hindi ata ako nakatulog nang gabing sinagot ko si Javier. Hindi ko iyon pinlano kaya talagang halos iuntog ko ang ulo pagkauwi ko sa bahay. Tuloy tuloy ang pasok ko doon sa kwarto ko at hindi ko na nakausap sila Mama.

Kinabukasan noon ay sinabi ko rin kaagad kila Mama ang naging desisyon ko. Nagulat sila pero hindi na sila nagtaka kaya nakahinga ako ng maluwag. Lalong kumulit si Javier sa sumunod na araw pero hindi na ako naiinis o naiilang.

Nasasanay na ako na ganoon siya kaloko at mapagbiro. Sa dalawang linggo na lumipas ay halos hindi ko naramdaman iyon. Javier Buenavides is my boyfriend and my mind can't still process that.

"You seem eager huh?" Ate Penrose greeted the moment she saw me at the café.

Katatapos lang ng intership kahapon, huling araw at ngayon ay sabado. Sinabihan ko kaagad siya na magkita kami. Napangisi si Kyle sa tabi at tipid naman akong ngumiti sa kanila. I sat in front of them.

"Kamusta Aio?" tanong ni Kyle.

"Ayos naman ako. Thesis naman ang aayusin ngayon,"


"Buti nalang talaga tapos na ako diyan!" natatawa niyang sagot.

"Nakatapos ka pala?" singit ni Ate Penrose na ikinatawa ko.

Umarte namang parang sumakit nag dibdib si Kyle. "Ouch! Medyo harsh."

Ate shook her head and turned to me. Tahimik akong nakatingin lang din sa kaniya. As usual, nauna na silang umorder pati ng sa akin.

"Should I start with the names of our parents?" she stated.

I bit my lip and shrugged, unsure. She sighed and lean a bit. Nakamasid lang naman sa amin si Kyle.

"Ricardo our father, Rita our mother." I don't know if she really left out the surnames so I waited a bit. Pinagmasdan niya ang reaksyon ko. I know that already.

"Macimilian?" ako na ang nagdugtong. Napataas ang kilay niya at napangisi.

"Someone's impatient." She tilted her head and smirk.

Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya ako o tinutukso lang.

"Sino ang umampon sa'yo?" mahinahong tanong ko.

She licked her lips before answering, "Oliverio. Bet you know him already."

"Brother of our father?" I still asked. She nodded.

Is shifted on my sit, "All these time nasa kanila ka kung ganoon? Pero sabi sa internet ay namatay ang mga anak ni Ricardo Macimilian. How come we're alive and... you're living with them?"

Nakakunot na ang aking noo at hindi mapigilan ang pagtatanong. Napansin ko ang simpleng pagiwas ng tingin ni Kyle at pag e'entertain sa sariling cellphone.

"Ang sabi ko kasi hintayin mo akong sabihin ang lahat. You're a little rebel huh?"

"Hindi Ate. Aksidenteng may nakakilala sa picture na binigay mo sa akin. Nahagip doon si Oliverio Macimilian, which our uncle, at sikat pala siya? Doon sa kompanya niya nag t'trabaho ang kapatid ng kaibigan ko."

Her lips protrude as she nods her head. Tila wala naman pakialam.

"Anyway, as I told you before. Our parents are murdered. Pinalabas na patay na ang mga anak dahil magiging delikado. Who knows if they hunt us and kill us too? Si Oliverio ang kumuha sa akin. Pinalabas na inampon niya ako. I change my name. Though I'm really a Macimilian, he adopted me for real."

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon