Chapter 8 Like

786 21 0
                                    

Chapter 8

Like

Hindi ko na siya pinansin sa banat niya. Tinalikuran ko siya at naglakad patungo kung saan ang stores ng mga school supplies. Narinig ko naman ang tawa niya habang sumusunod sa akin.

He pushed me away from the road when he kept up with my pace. Napatingin ako sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Anong bibilhin mo dito?" tanong niya ng makapasok kami. Hindi ko naman sinagot.

I quietly asked for some bond papers and pay for it. Si Javier ay lilinga linga pa nang matapos ako, nakita ko pang nagtataka siya.

"Tapos ka na?"

I wanted to say sarcastic words but that would just make him amused and not annoyed so huwag nalang. Napailing nalang ako at lumabas na. Nagulat naman ako ng mabilis niyang naialis sa akin ang bitbit kong laptop na nasa bag at naka cross sa aking katawan.

Masama ko siyang tiningnan, "Akin na 'yan!"

"Ako na ang magdadala," nakangiti niyang sabi at isinukbit iyon sa katawan niya.

"Kaya ko iyan."

"I know. I just want to do it for you." With his smirk I can't tell if he really is serious or not.

I swallowed hard and looked away. Naglakad nalang ulit ako dahil wala naman akong masabi. I don't know how to react to his silly jokes. He looks really playful and that makes it hard for me to distinguish what he really meant with his every word.

"I'm going home. Where are you going?" banayad kong tanong habang naglalakad at hindi siya nililingon si gilid ko.

"Are you curious about me?"

"I'm asking so I can make an excuse for you not to come with me."

He chuckled, "You sure I'm going with you?"

Hinarap ko siya at bahagya nang nawawalan ng pasensya.

"You won't?"

"Of course, I will." He smirked. "Damn. You're being good with this."

Napailing nalang ako kesa mangiti pa sa sinabi niya.

"Tigilan mo na ako..." I stopped near the terminal.

Nilingon ko siya na bahagyang nakataas ang kilay sa aking sinabi.

"Kumain muna tayo."

I sighed, "Hindi ka ba busy?"

"Hindi."

"I know you are. Bakit ka ba laging naka sunod sa akin?"

"I want to see you."

I blinked. "You'll always see me at the farm..." pagdadahilan ko, iniiwasang isipin ang ibig niya pang sabihin.

"Can we eat first?" he shifted his weight as he changed the subject.

Malambot na nakatignin sa akin at tinitimbang ang reaksyon ko. Napatingin ako sa ibang tao na hayad na nagmamasid sa amin. He tried to block my view. Napayuko ako at pilit inisip na kailangan ko nang umuwi dahil wala naman na akong gagawin dito.

Umiling ako ng marahan, "Umuwi ka na..."

"You haven't eaten lunch yet. Right?" tanong niya ulit na tila hindi naman naririnig ang sinabi ko.

Hindi pa nga.

My eyebrows furrowed as I looked at him. Gusto ko nang mainis sa kaniya pero sa nakikita kong mga mata niya ay pilit umuurong ang dila ko. Really? Is this man's charm working on me? Kahit kailan ay hindi ko nakikita ang sarili ko sa kung nasaan ako ngayon.

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon