Chapter 15
Yes
My phone rings after my reply. Tinitigan ko iyon hanggang sa tumigil ang tunog. My lips protrude as I sit properly. Nakatingin lang ako sa cellphone ko at nakatingin sa nakalagay na missed called at pangalan ni Javier.
Wala naman talagang problema. Ayaw ko na itong palakihin kaya sinabi kong wala namang problema pero hindi ko alam kung bakit masama talaga ang loob ko. I don't want to lash out on him but I can't help myself to overthink things.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. My heart hurts in thoughts of him being with someone else. Ayaw kong sabihin na nagseselos ako pero parang ganun nga ang nararamdaman ko.
Nagsimba kami kinabukasan nila Mama at Papa. This is what we usually do on Sundays and I'm happy that we always have time to spend with each other. Nagyaya si Papa na kumain sa Pepper Grill pagkatapos kaya doon kami dumiretso.
"Matatapos ka na sa internship hindi ba? Ilang linggo nalang Aio?" tanong ni Mama habang hinihintay namin ang order.
I smiled at her, "Dalawang linggo nalang Mama."
Bigla kong naalala noong kabang kaba ako habang hinihintay kung tatawag sa akin ang La Granja de Flores. I never expected to get in but I really prayed for it.
"Doon mo din balak mag apply ng trabaho?"
"Opo sana Mama. Sa office nila sa Manila..."
Tumango tango siya. I smiled warily as I look at my Papa. Normal lang naman itong nakatingin sa akin.
"I really want to work there. Alam ko pong malayo iyong Manila at hindi pa ako nakakapunta but if I can't get in, I want to try to other companies too. Sa Manila din po sana..."
Tumango si Papa, "Kung ano ang gusto mo Aio. Sobrang layo noon pero kung iyon sa tingin mo ang gusto mo at makakatulong sa iyo."
"Pwede ka rin naman dito nalang. Marami kang mahahanap na magandang trabaho dito." malungkot na sabi ni Mama, "Ano ba ang plano mo?"
Napanguso ako, ayaw ko din talaga silang iwan. Bukod sa hindi ako sanay na malayo sa kanila ay dalawa nalang sila sa bahay kapag nagkataon.
"Gusto ko pong makaipon. Gusto kong palaguin iyong flower farm Ma."
"Hindi mo naman kailangang gawin iyon, anak. Wala ka bang plano para sa sarili mo?"
"Iyon talaga ang gusto ko Mama. Gusto kong lumago iyon para hindi na rin kayo mahirapan. I don't want to work in an office for so long. Gusto kong palaguin iyong flower farm at imanage iyon Ma, Pa."
Tumikhim si Papa, "Sa'yo din naman mapupunta iyong lupain anak. Mabuti nga't may interes ka doon. Pero sana ay hindi mo iyon ginagawa dahil nakasubo na sa'yo. Ayos lang sa amin kung gagawin mo ang gusto mo."
Ngumiti ako at umiling, "Gusto ko talaga ito Papa."
Natigil lang ang usapan nang dumating ang pagkain. Tahimik kami habang kumakain nang tumunog ang cellphone ko. Nasa ibabaw iyon ng mesa at tahimik kong tiningnan. Nang makita na may mensahe si Javier ay kinabahan na naman ako.
Javier:
Do you have plans today? Can we me...
Hindi ko na binuksan upang basahin iyon ng buo at tumuloy lang sa pagkain. Saglit akong tumingin sa magulang at nagtama ang tingin namin ni Papa. Agad akong umiwas at inabala ang sarili sa pagkain.
Habang kumakain ay iniisip ko si Javier. Hindi ko na siya kinontact pa kagabi at kahit kaninang umaga. He greeted me good morning earlier but I didn't reply. Ngayon nalang siya nagtext ulit.
BINABASA MO ANG
Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)
RomanceMacimilian Series #2 Azalea Iolanthe Escribaño likes to live in the soft wind and touch of their small flower land. Everything about her screams gentleness and sweetness. Hindi maipagkaila na isang babaeng hindi makabasag pinggan. Despite her unreco...