Chapter 17 Cheek

585 17 4
                                    

Chapter 17

Cheek

"Dahil apat tayo, maghati hati nalang tayo sa chapter 5?" Mori asked as she scans our thesis papers.

Tumango ako hinihintay ang sagot ng iba. Dave is sitting quietly across me, beside Mori. Simula nang magumpisa ang meeting namin para sa thesis ay tahimik siya. I don't want to assume but maybe he's awkward because I'm here. Hindi pa kami nakapagusap ulit simula noong sinabi kong huwag niya na akong ligawan.

"Uh..." I started when I think no one will answer her, "Pwede nga ganoon nalang. Para maayos ang distribution." Patuloy ko nang diretso ang tingin kay Mori.

She nodded and smile a little. Maging si Miguel na katabi ko ay hindi gaanong nagsasalita. Madalas nitong daldalin si Dave at ngayong tahimik ang huli ay hindi narin ito gaanong nagsasalita.

"Ayos lang sa inyo?" kompirma pa ni Mori at tumingin sa dalawang lalaki.

"No problem!" Miguel replied, tango lang naman ang ginawa ni Dave.

Saglit ko siyang pinagmasdan at kaagad nagiwas ng tumama ang mga mata niya sa akin. I blinked and continue reading my part.

"Next week tayo nakaschedule para sa thesis defense. Hindi ba natin paguusapan ang isusuot?" si Mori.

"May ganoon pa ba?" takang tanong naman ni Miguel.

"Duh! Syempre, para presentable tayo dapat organize! Atleast, magkakakulay tayo ng soot? Ano sa tingin mo Aio?"

I looked at Miguel who looks like he wants me to side with him. Tumingin muli ako kay Mori, "Wala namang problema sa akin. I really do think we'll look presentable kung gano'n nga ang gagawin natin."

Mori clapped two times and smile wider, "See? Ang gusto lang kasing mukhang presentable ng mga lalaki ay ang mukha nila!"

I chuckled and look at Miguel who just frown. "Anong kulay ang isosoot natin?" I calmly asked.

Tila nagisip naman si Mori. Napanguso pa siya at tumingin sa taas na parang nandoon ang sagot.

"Pink?"

"Ang pangit! Isipin mo naman kami?" singit ni Miguel na talagang sineryoso si Mori. Malakas na tumawa ito at napailing.

Napalingon muli ako kay Dave na tahimik na nakamasid. He's eyes caught mine when I looked. To avoid being awkward, I wearily smiled and look away.

"Diba, real men wear pink? Ikaw Dave? Ano sa tingin mo? Ang tahimik mo!" malakas na sabi ni Mori.

Umiling lang naman si Dave at bahagyang ngumiti, "Bahala na kayo,"

"Ayos ka lang ba?" tanong ulit ni Mori.

"Oo. Wala lang ako sa mood."

Mori's eyes narrowed, kalaunan ay gumawi sa akin ang tingin niya at bumalik sa kaibigan. Makahulugan siyang tumingin pero binaliwala ni Dave.

"Wala ito Mori. Sige na at pagusapan niyo na iyong sosootin natin."

Mataray na umirap si Mori at bumalik na sa pinaguusapan namin kanina.

"We should wear black longsleeves polo Aio and white skirt. What do you think? I'm sure puro black skirt ang mga babae na mag d'defense, para iba tayo!" humahagikgik na sabi niya.

"Ayos lang. Maiiba nga tayo kung gano'n."

"I like Aio talaga! Lagi siyang sumasang ayon sa akin!"

Natawa nalang ako sa sagot niya.

"Then boys, just wear black slacks and white polo naman? Black and white tayo! Wala naman kasing white slacks and for boys ang pangit noon!" humalakhak siya na parang naiimagine pa ang sitwasyon.

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon