Chapter 37 Losing

623 15 0
                                    

Chapter 37

Losing

Nanatili akong tulala buong oras na naguusap ang mga katrabaho ko. They are exchanging clues and guesses as to what's true about the news. Hindi ako makasunod dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib at sa sariling pagiisip.

I put my hands on my face and closed my eyes firmly, avoiding to tear up. Hindi humuhupa ang kaba ko at kakapusan ng hininga kahit makalipas ang ilang oras. I was spacing out, halos wala akong natapos na trabaho.

Hindi ko alam ang uunahing isipin. Ni hindi maatim ng isipan ko iyong balita. Where did they get that? Engage? Javier is engaged to that woman? Wala akong alam, hindi ko alam kung papaniwalan ko ba iyon. I don't even have the guts to asked Javier right now. Rumors has to come somewhere, right?

My mind is flying like a bird squirming its eyes to find a prey. Ako, iniisip ang mga dahilan ng lahat ng ito at hindi nagugustuhan ang sariling konklusyon. Wala naman namamagitan sa amin ni Javier. Hindi ko nga alam kung ano kami e. We're definitely not together. He didn't ask anything of me.

Pero mas lalo lang nakapagpasama iyon ng loob ko, wala na ba talaga siyang nararamdaman sa akin? Or in the first place he didn't intend to go this far? Magpapakasal ba talaga siya sa iba? My own words hang in my head, making my heart swell. Napaigtad ako ng marinig ang tunog ng cellphone.

Nanghihina kong inabot iyon at nakitang ang pinsan ang tumatawag.

"Ate Aisa..."

"Hello? Aio? Where are you? Papunta na kami!"

I inhaled, remembering our supposed dinner tonight.

"Uh... paalis palang ako ng opisina..." mahina kong sagot at isa isa nang kinuha ang gamit.

"Sunduin ka na namin?"

"Hindi na. Uh... malapit lang naman dito..."

I put the phone after the call and sighed. Sinabihan nila ako kahapon tungkol dito. We'll just have a casual dinner with my cousin, Aisa and Giovanni. Of course, nandoon si Damian. Mabagal akong kumilos, lutang pa din ang isipan.

Nang makababa ay wala sa sarili akong naghanap ng taxi at nagsabi kung saan pupunta. Hindi ako mapakali at sa huli binuksan ang sariling cellphone para tingnan ko kung totoo ba ang lahat ng balitang iyon.

I surf on social media sites, news outlets about businessmen and such. Halos lahat ay iyon ang balita. It was all written there that it was not confirmed but it is most likely true, it said. May nakita pa akong isang post noong babae na nakalagay din sa article. It was an Instagram post with a caption 'maybe.' Posted just an hour after the news broke.

Gusto ko man kumpirmahin iyon sa intagram ay ayaw ko nang magaksaya ng oras. I closed my eyes and put down my phone. In the dark road filled with so many cars, I feel empty. Nangilid ang mainit kong luha at wala pa 'man ay sobra na akong nasasaktan. Thinking of Javier marrying someone else, broke my heart.

Akala ko noong lumayo ako ay kaya kong tanggapin ang katotohanang may mahahanp siyang iba at may papakasalan na iba. Pero bakit ngayon, halos mamanhid ako sa sakit? I checked my text conversation with Javier. His last text was this morning, just greeting me. Matapos noon ay wala na.

Ayaw ko siyang pagdudahan pero wala din naman kasi akong pinanghahawakan. I only know my feelings for him, untouched and only grows throughout the years. Pero ang sa kaniya, wala akong alam, wala siyang sinabi.

I smiled sadly ashamed of my thoughts. Ano ba ang akala ko, ako pa din hanggang sa huli? Hanggang ngayon? Maybe that really is his girlfriend. Ang tagal tagal na nilang dalawa na nal'link sa isa't isa. Siguro totoo talaga iyon.

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon