Chapter 24
Café
Kuya Giovanni talked to me for a while after I'm done with Ate Aisa. Pero mas nagkausap sila ni Kyle at wala na akong nagawa kung hindi makinig. The wedding ended I think past midnight because of the after party.
Sa mga sumunod naaraw ay bumalik na din sila Mama at Papa sa Siraya. Naging busy naman ako sa trabaho kaya hindi ko rin nakausap kaagad si Ate Aisa tungkol sa may ari ng lupa na gusto kong bilhin. I secretly checked the account that she names after me at halos malula ako sa laman noon.
Hindi lang rin sa iisang bangko. Paano pa iyong mga ibang asset na hindi pera? Inisip ko nga kung saan pwedeng mag donate na charity para makatulong naman ako sa iba. Hindi ko naman kayang gamitin iyon at tiyak akong hindi ko rin maatim na gamitin.
"You'll go back to Siraya? When?" tanong ni Casimiro nang magkita kami sa isang café malapit sa office.
Madalas ako dito simula noong bumalik ako ng Manila kapag may time, at ngayon nga na tinext niya ako na magkita daw kami ay dito ko na napili.
"Sa susunod na araw. Doon ko na kakausapin iyong may ari ng lupa dahil sabi ni Ate Aisa ay nandoon daw." I sipped in my drink and put it down to look at my friend.
"After years! Finally! Sigurado ka ba diyan?"
I shrugged and sighed. Hindi ako sigurado. I've been scared to go back all theses years. Natatakot ako na baka alam ng mga tao ang nangyari noon at ang kasalanan ng pamilya namin. Pamilya ko. But I can't be scared my whole life and neglect my hometown. Isa pa, hindi naman ako magtatagal doon.
Kakausapin ko lang iyong may ari para sa magiging deal namin, na sana ay pumayag siya. Ate Aisa wanted to come but she's still in her honeymoon.
"Sandali lang naman ako..."
He rolled his eyes, "Dapat sinabi mo sa akin kaagad para masamahan kita!"
"Hindi na. Magiging ayos naman siguro."
"Hay nako. I don't know ha. Hindi naman kasi ako taga Siraya pero tingin mo alam nila iyong totoong nangyari noon?"
I stare at him, thinking the same thing. Pero hindi ko naman malalaman iyong sagot kung hindi ako pupunta doon. At kung alam nga nila, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Hindi ko alam Casimiro..."
Tumingin siya sa akin na parang may gustong sabihin pero sarili na din ang nagpipigil. He drinks and looked at me again.
"Ano?"
"Feeling ko kasi hindi. Hindi naman umabot sa pulis hindi ba? Hindi naman siguro ipagsasabi ni... Javier iyon sa bayan niyo." Hindi komportable nyang sabi.
I blinked and looked away. Hindi ko rin alam ang sagot dyan. I want to think that way but I also don't want to assure myself. If Javier didn't say anything, his relatives could, or his mother.
"Maliban nalang kung galit siya." Dagdag ni Casimiro na ikinalingon ko.
I expected that too. That he's mad. Kaya mas lalo akong natakot na bumalik doon, at hanggang ngayon natatakot pa din, kahit na nagkita naman na kami.
"Nagkita na kami..." mahina kong sabi.
It's his turn to looked at me with his eyeballs almost popping out.
"What? Kailan?" malakas niyang tanong.
"Noong kasal ni Ate Aisa... he's Damian's friend."
His mouth is still open while gawking at me. "What a small world."
BINABASA MO ANG
Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)
RomanceMacimilian Series #2 Azalea Iolanthe Escribaño likes to live in the soft wind and touch of their small flower land. Everything about her screams gentleness and sweetness. Hindi maipagkaila na isang babaeng hindi makabasag pinggan. Despite her unreco...