Chapter 4

426 10 0
                                    

Chapter 4

Purpose

"Samsam!"

Tinig ni Archi ang nagpagising sa naglalakbay kong diwa. Idinaan ko na lang sa irap ang luhang sa tingin ko ay namuo sa gilid. I just hoped hindi niya iyon napansin. 

"Oh, tapos ka na? Uwi na tayo?"

Umuwi na tayo. I tried to smile, genuinely. Iyong walang halong pagkukunwari. I succeeded upon seeing his bright face. It formed a smile. Then and then have I realized that I couldn't voice out the reason of that pain because I think it was shallow. Masyadong mababaw ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. 

"Hindi mo na ako aasarin, ah?"

"Tss. Kasalanan ko bang may ano diyan?" sambit ko at isinuli iyong phone niya.

"Hindi mo naubos iyong pagkain?"

"Huh? Ah, busog na kasi ako."

Hindi ko kasi malasahan iyong kinakain ko dahil sa pait na nararamdaman. Sasabihin ko ba iyon? Syempre, hindi. He doesn't have an idea na may gusto ako sa kan'ya. Higit pa sa pagkakaibigan ang pagtinging inuukol ko sa kan'ya. 

"Ubusin na muna natin tapos hatid na kita. Okay lang ba?"

I just nodded. Umupo kaming dalawa sa damuhan. Masarap ang simoy ng hangin, ang tanging balsamo sa puso ko na sa mga oras na iyon ay hindi masukat ang sakit. Idaan mo na lang lahat iyan sa pag-irap, pagngiti at pagtango. Magpanggap ka hanggang sa kaya mo. Hanggang sa sumabog na lang ang puso.

Ilang sandali lang naramdaman ko ang ulo ni Archi sa balikat ko. Tahimik na namamahinga. My heart leaped painfully.

Time will come at darating ang babaeng gagawa nito sa kan'ya. Masasaktan ako, oo. Ngayon pa nga lang, iba na iyong hatid niya sa'kin. Iba na iyong sakit. Paano pa kayo kapag dumating na talaga?

Your place will be erased permanently, Sammy. Hanggang sa parte ka na lang ng alaala.

"Pasandal muna ng ilang minuto, Samsam. Hiningal ako sa paghabol ng bola."

Matagal mo na iyang ginagawa bata pa lang tayo, ngayon mo lang napagtanto na nakakahingal pala?

"Okay."

Bigla siyang bumangon na siyang pinagtaka ko. Muntik pa kaming mag-umpugan.

"Hm? Ano? Akala ko ba iidlip ka muna saglit?"

Tinitigan niya akong mabuti. Kumikibot ang labi niya sa labis na pagtataka. Ang paningin ko ay  dumako na lang sa kung saan.. sa puno, sa kalangitan na binubuo ng ulap, mga ibong malayang nakalilipad pero sa huli ay muling bumalik sa mga mata niyang naghihintay. 

Sa mga magagandang uri ng matang naghihintay.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Why can't I survive five seconds of staring..

"Masama ba pakiramdam mo? It's not yet last week of the month.  Second week pa lang.."

"Wala 'to." Ngumiti ako. Nakakasawa pa lang ibalandra ang ngiting may halong pagkukunwari.

Hinawakan niya ako sa balikat at iniharap sa kan'ya.

"What is it, Samaria? I know when something is bothering you.. You usually have a face like this."

Mahina akong natawa nang ginaya nga niya. Nagseryoso rin kaagad siya. Another thing, tinawag niya akong Samaria. Seryoso nga.

"Iyong nakuha ko sa quiz.." mahinang sambit ko.

Talaga naman, Sammy, nakakadagdag sa suliranin mo ang twenty one correct items out of forty items. 

"Samsam."

Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon