Chapter 3
Field
"When I dream about you. That's when everything's alright."
And he sang at the top of his lungs.
"Archi," I warned.
Busy ako sa memorization para sa quiz mamaya. At heto siya sa harap ko at hindi mapakali. May hawak hawak nga siyang handouts, nirolyo naman niya iyon saka ginawang torotot.
"Pati ba naman ikaw? Ayaw akong pansinin?"
Pinitik niya ang noo ko. Inilapag ko ang handouts sa armchair na siyang nagpangiti sa kan'ya. Ano na nga ulit iyong minememorize ko? Bakit nakalimutan ko naman yata agad? That fast, Sammy!
"Galit ka pa rin ba? Pinansin mo na nga ako noong nakaraan ah?"
I took a deep breath. He's a ball of sunshine. He laughs most of the time. He's playful. He possessed an out of the world intelligence. But sometimes, he's quite annoying. Disturbing me at the middle of everything.
"Oh shut up na nga ako."
"Mangako ka muna."
"Parang tanga naman. Shut up na talaga ako, finish na."
He acted as if zipping his mouth.
Bumalik na ako sa pagbabasa muli ng terms. Pa-ulit ulit ko siyang binabasa pero hindi talaga pumapasok. Paano kung iyong exact words? Anong isusulat ko roon? Archimedes Dylan Figueroa?
"Umayos ka nga ng upo," naiiritang sambit ko.
"Ayaw ko nga."
"Archi."
"Sammy."
Bahala ka sa buhay mo. Itong lalakeng ito, wala man lang consciousness sa katawan.
"Figueroa! Yabang a? Hindi nagrereview!"
"Bili ka!" nang-aasar na ganti niya sa classmate naming lalake.
Busy na kami lahat sa room sa pag-rereview, siya na lang itong pachill-chill lang. "Bili ka ng pake ko."
Paapir-apir lang siya sa mga classmates namin. At kung nangigigil, bigla na lang nanghahampas ng nirolyong handouts. Magtatago siya sa likod ko kapag iyong hinampas niya ay maghahanap. Tapos kapag hindi nahanap, uulitin na naman.
"Archi, para ka na talagang tanga," sambit ko.
Nakayuko siya sa likod ng upuan ko. Ewan ko kung nagtatago pa rin siya roon sa napagdiskitahan niyang classmate namin. Kung ano nang ginagawa sa buhok ko eh.
"Hindi mo talaga ako pinapansin."
Akala ko ba tatahimik na..
"Ano na?"
Paglingon ko na sana hindi ko na ginawa, his face was inches closer to my face. Naiilang akong lumayo. My heart was beating fast like it won a race. And Archi..hindi siya bothered kagaya ko. That mini interaction can cause bewilderment on my part. It's too much to handle. He's too much to handle.
The feelings he made me feel were all foreign not until I realized that he held a special part of my everything. I don't know if it's healthy for the friendship we shaped for how so many years. My fault was I never tried to stop myself from falling. I fell hard without him knowing.
I crossed the line. Little things could make me startled. He affects me in so many ways possible. Habang siya ay wala lang.
Bumalik siya sa upuan at humarap sa'kin. Namumula ba ako? Sana hindi. Huwag kang papa-apekto ngayon, Sammy.
BINABASA MO ANG
Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)
RomanceSunset Avenues #1 : Completed "I'll see you in Barcelona.." First love is meant to pave us the way for true ones. Samaria Justine Bautista grew up having a deep crush towards her childhood best friend, the Equestrian looking football player of thei...