Chapter 28

239 9 0
                                    

Chapter 28

Steps

I woke up on my eighteenth birthday thinking of petals, cake and party hats. The next morning, I had a hangover.

Ilang buwan akong nag-ipon ng lakas ng loob, perhaps I have been hiding this for years and had the glimpse of chance last night but I wasted it..

Parang hinahati ang ulo ko kinabukasan. Wala akong matandaan bukod sa nakakahiyang pagsusuka ko sa mismong suit ni Archi at ang mga rosas na binilang ko pa sa harapan niya. I did the counting, drunk and mess.

Bumukas ang pinto. Napasapo ako sa sariling noo dahil sa sakit ng ulo. Gusto ko na lang matulog maghapon. At ayoko ng kausap baka lumala pa!

I ruined it all!

Nanlalagkit ang buong katawan at doon ko lang napagtanto na hindi pa ako nakakapagpalit simula pa kagabi. Ilang beses akong tinamaan ng unan ni Hemi, pinipilit akong bumangon. Iritadong-iritado.

"Inaantok pa ako, ano ba?"

"Sabi na nga ni Papa na huwag na muna ang alak! Anong ginawa mo?!" bulyaw niya.

"Tignan mo nga ang sarili mo, bwisit ka! Daig mo pa ang brokenhearted!"

"Bumangon ka riyan at ipaalala ko sa'yo ang ginawa mong kahihiyan kagabi! Lagot ka kay Papa, makikita mo!"

Wala pa akong planong bumangon kung hindi lang niya nabanggit ang kahihiyan na ginawa ko! Mabilis pa sa alas kwatro akong tumingala. Magulo ang aking buhok at nakakasiguro akong sabog ako sa umaga.

"Aray!" reklamo ko nang tumama na naman sa mukha ko ang unan.

"Mahi-highblood ako sa'yo! Kung alam mo lang ang pinagsasabi mo, mahihiya kang lumabas!"

Napakagat ako sa labi. Eh 'di hindi na ako lalabas, weekends naman ngayon. Akma akong hihiga ulit nang pwersahan niya akong hinila. Naalog yata pati ang kaluluwa ko!

"We all prepared, nagbiyahe pa ang magpinsan na Valencia para sa birthday mo, narito kagabi ang mag-asawang Pilo at Nena tapos uuwi ka lang na lasing, huh!"

Tumungo ako. I could just imagine the hassle and the mess I brought to them.

"A-anong sinabi ko kagabi?"

"Hindi ka maniniwala!" She crossed her arms and rolled her eyes.

"A-ano nga?"

"Tanungin mo si Archi!"

Kinabahan ako. "May nasabi ba ako sa kan'ya?"

Paano pala kung umamin ako sa harapan nilang lahat? Sa presensya ng mga Valencia! Hindi ko kailanman hiniling na magkaroon ng audience sa pag-amin ko sa kan'ya. That would be the height of my embarrassment.

"Marami!" giit niya. "Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa rosas na binigay sa'yo ni Archi? Tinipon mo kaming mga babae tapos ang sabi mo ang makakasalo niyon ay ang susunod na ikakasal!"

"Sinabi ko iyon?!" halos maghisterya na ako sa narinig.

"English speaker ka pa!"

Pipiliin ko na muna siguro ang ilubog ang sarili sa tabing-dagat mamaya. Hindi ko kakayaning makaharap sila Archi. Ito pa lang si Hemithea, pakiramdam ko hiyang-hiya na ako. Paano pa kaya sila?

"Ano pang sinabi ko?" nauutal kong tanong.

"Si Archi lang ang nakakaalam niyan," tudyo niya.

Wala naman akong maalala na umamin ako kay Archi o baka naman hindi ko lang matandaan?

"Ayusin mo ang sarili mo. Maligo ka."

Papalipasin ko lang muna ang nananakit na ulo tsaka ako lalabas. Kakapalan ko na lang ang mukha ko na tanungin siya tungkol doon. And act as if it never happened.

Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon