Chapter 22

298 8 0
                                    

Chapter 22 

Painting

Hinayaan ko ang mga mata ko sa kakatitig sa kan'yang mukha. Ito ang isang buhay na larawan na hindi ko magagawang pagsawaan.

It was serene at that moment but devastatingly beautiful. Hinaplos ko ang mukhang iyon gamit ang libreng kamay.

I was seventeen but I know that stares mean something, feelings that are kept hidden. Love that was left untold. Sigurado akong hindi kita magagawang kalimutan kahit lumipas man ang mahabang panahon. That's for sure.

Dadalhin miski ang gahibla ng alaala sa susunod na pahina.

"I won't fade, that's a promise," I whispered as I caressed his face. Hindi kayang tanggapin ng isip ko iyon.

Natatakot siya na mawala ako, nag-uumapaw ang puso ko. I won't get used to it even if I have to play it a million times. Archi is this afraid to lose me, he won't even let go of my hand.

Kung natatakot ka na sa balang araw ay maglalaho na lang ako bigla, ako rin Archi. Hindi mo alam kung ilang beses kong hiniling sa karagatan na sana kasama na lang kita palagi. Na sana balang araw, ang nararamdaman ko sa'yo ay masuklian. Sana pareho tayo ng tinatago.

"You'll always find the missing part of your whole in Santa Maria."

So do I . Nandoon lang din ako, palaging maghihintay sa pagbabalik mo. Kahit gaano katagal.. Namahinga ako sa gilid ng kama. Hinayaan ko ang sarili na manatili sa patibong na ako mismo ang may gawa.

That's alright, pagbibigyan ko ang sarili. Hindi niya malalaman, Sammy, na ganito mo siya 'kamahal'. Na kahit nandito siya sa tabi ko, nakapikit ang mga mata, sa isip mo, humihiling ka pa rin na sana umabot kayo sa pontong higit pa.

I tried my very best to sleep pero maramot ang antok. Hindi ko magawang ipikit man lang ang aking mga mata.

When he's not around, when he's nowhere to be found, my mind would automatically be filled with fears, doubts and worries. It's different and more comforting when he's here, I feel safe and deeply in.. I sighed.

Nagtangka akong bumangon upang muli lang niyang hilahin pabalik. Para bang sa panaginip niya ay aalis ako at tuluyan na ngang maglalaho sa kan'yang memorya.

"Sleep and rest. Hindi ako aalis." I kissed his forehead, reassuring him even if he's unaware and asleep. Kinalas ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ko. Nagpakawala ng buntong-hininga.

Madaling araw na at naghahalo ang puyat, pagod at gutom sa sistema ko. Anumang oras sa tingin ko ay babagsak na ang katawan ko pero hindi ang isip ko. Yakap-yakap ang sariling lumabas ako ng silid. Isinara ang pinto na naghahati sa balkonahe.

Sumalubong ang hangin sa mukha ko. Nakakahalina at kinakalma ng tunog ng alon ang buong sistema. Mistulang binubura ang lahat ng nararamdamang pagod. Tahimik ang buwan na nanonood. Maglalaho muli sa pagsikat ng umaga sa silangan.

"As beautiful as you, my sweetheart."

Sumandal ako sa balustre ng balkonahe. Ang malabong buhay na larawan ng mga windmills sa may di kalayuan ay gumigising sa diwa ko. Paglipas ng bawat minuto ay lumilinaw iyon sa paningin ko. It was surreal, I can't believe it myself even.

They are like stars, free. The view gives a comforting and serene feeling.

Ang pakiramdam na gusto kong lumapit sa mga iyon at damhin ang hangin. Hayaan ang sarili na matangay sa kung saan. I'll gladly let myself get suffocated.

Life is all about taking pictures and bringing them until one's very last capture. Some of them are painful to capture. Many are nostalgic enough to bring mixed emotions. But in the end, we'd breathe the words worth remembering and the pictures worth capturing.

Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon