Chapter 26
Beginning
Whenever I see boys and girls selling lanterns on the streets.. I remembered the beaming lights, abstract gifts and untold love.
Essence of Christmas was fulfilled. Fifteenth of December, I had the chance to watch a meteor lighting up the sky together with Archi. He wished for me. The night was more than the stars above.
"Kamusta ang simba mga anak? Humiling ba kayo?" wika ni mama.
Umupo kami sa bangko. "Si Sammy lang Ma, parang bata."
"Bakit? Hindi ka naniniwala roon, Hemi?" banayad niyang tanong.
"Hindi naman sa ganoon pero kung gusto mo ang isang bagay, do something. Huwag idaan sa hiling ang lahat."
Sa loob ng siyam na araw, dalawang gabi lang kami lumiban sa pangangaroling. Ang naipon namin ni Hemithea ay pinambili naming regalo para kila Mama at Papa. Kaya nga lang may tig-isa pa kaming paper bag na binalot sa gift wrapper. Walang tanong, para iyon kay Archi. Hindi ko alam kung para kanino ang binili niyang regalo. Wala naman siyang sinabi.
Inayos namin ang munting Christmas tree sa harap ng aming bahay. Hindi iyon ang uri ng Christmas tree na kumikinang at kompleto. But for us.. it was the most special. Ginupit mula sa mga scratch paper at colored paper ang ginamit na palamuti. Ang mismong christmas tree ay nakukuha lang sa tabing-ilog. Dinikitan ng dyaryong pininturahan ng kulay berde.
"Maganda ba?"
Tumango ako sa tanong ni Mama, nakangiti. I just realized back then how special and precious my parents' smiles are. Makita lang silang masaya kahit sa munting bagay, pakiramdam ko may isa sa wishlist ko ang naguhitan. Wala pa lang mas nakahihigit sa paskong kumpleto ang bawat pamilya..kahit walang handa.
Kailan pa naging pangit ang lasa ng luto ni Mama?
"Sa pinakamamahal kong tatay, ito lang po ang kaya kong bilhin sa ngayon. Pero nangangako ako na sa pagdating ng panahon, madadala ko na rin kayo sa mga restaurant at mabibilhan ng mansion at sasakyan. Makakapagtapos po ako ng pag-aaral at sa susunod yate na ang ireregalo ko po sa inyo, Papa. Maligayang pasko, Papa.."
Binuksan ni Papa ang gift wrapper. Isang pares ng tsinelas ang naroon. Niyakap niya si Hemithea at nagpasalamat. Simpleng regalo pero hindi naman mahalaga kung gaano kamahal. It is a matter of who gave it to you. What makes a gift significant?
The sentimental value it holds, the thought of the one giving it.
"Mama, gusto kong maging proud kayo sa'kin. Makakapagtapos po ako ng pag-aaral at kayo ang unang sasabit sa'kin ng medalya. Merry Christmas, Mama."
Salawal naman ang binili niya para kay Mama. Tumingin silang lahat sa akin. Wala akong inihandang speech para roon dahil hindi ko naman inaasahan. Namumula ang mukha kong tumungo. I guess, ako ang anak na hindi gaanong nagsasabi sa magulang at nahihiya pa. Hindi rin ako ang anak ang malimit na nagsasabi ng 'I love you.'
"Merry Christmas po."
"Samaria."
Inabot ko ang regalo. Sabay nilang binuksan iyon at natawa ng couple shirt pala ang laman. Nahihiya akong nagtago sa likod ni Papa na parang bata.
"Anong nakasulat, Papa?" udyok pa ni Hemi, inaasar ako.
"The boss at the real boss."
Nag-iinit ang aking mga pisngi lalo na nong humalakhak pa sila. Wala naman akong maisip na regalo.
"Saan mo ito binili, anak?" ani mama.
Nagkamot ako ng batok. "Sa bayan po."
Hindi naman na bago ang mga couples na nagsusuot ng ganito? Ang buong akala pa nga ng nagtitinda nang ipabalot ko iyon ay pang regalo ko sa 'boyfriend ko'. Eh necklace naman na ang pendant ay angry bird ang regalo ko kay Archi.
BINABASA MO ANG
Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)
RomanceSunset Avenues #1 : Completed "I'll see you in Barcelona.." First love is meant to pave us the way for true ones. Samaria Justine Bautista grew up having a deep crush towards her childhood best friend, the Equestrian looking football player of thei...