Chapter 23
Crash
"Bakit kayong tatlo lang ang nandito sa Ilocos Norte? Nasaan ang iba pa ninyong mga pinsan?" marahang tanong ko kay Ery.
Kilala ang kanilang apelyido pero hindi ko sila kilala personally. Maliban sa ang middle name ni Archi ay isang Valencia, ang angkan nila ay napakapribado. Siyam silang nasa painting pero dalawa lang ang nasa mansion, dalawa rin ang nasa Santa Maria.
Naintindihan ko kaagad ang gusto niyang ipahiwatig. Besides, those are family matters. Nagtataka lang ako kung bakit sila lang ang nandoon kung may mga pinsan pa naman talaga sila, ayon sa painting.
"I'm gonna drive," prisinta ni El.
Sabay na humarang ang dalawa sa convertible na BMW.
"Pagkatapos ng ginawa mo sa van? No way!"
"I agree."
"Ako ang magd-drive."
"Ridiculous! Come on pinsan! You're only eighteen!"
"So what?" hamon ni Archi.
Nangangamoy away ang mga ito. Kung silang tatlo ang palaging magkakasama, si Ery ang palaging nasa gitna. Ako pa lang na nakakasaksi sa lahat ng asaran nila, alam ko nang mahirap silang i-handle. Paano na lang kaya kung si Miss Julianna ang kasama nila?
"I'm nineteen, pwede na ako," Elliot argued. Na-stuck tuloy kami kung sino ang magd-drive. Pati iyon ay pinagtalunan nila.
"I can manage to drive the car, alright! Wala akong tiwala sa'yo, bobo."
Nagkatinginan ulit kami ni Ery at sabay na napabuntong-hininga. Walang balak na magpatalo ang isa sa kanila. Sa huli ay nagbaba ng tingin si Elliot at nagkibit ng balikat. Mababanaag na sa kan'yang mukha ang naglalaro sa isip.
Si Archi ang magd-drive. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na marunong na pala siyang mag-drive ng kotse. Nasanay na yata ako sa motor niya.
"Ery?" Hinila ko ang braso ni Ery.
"Bakit?"
"Saan ako uupo?"
Magkatabi ba kami sa likod o tatabi ako kay Archi sa harap. Hindi pa man nakakasagot si Ery ay tumuloy na si Elliot sa tabi ng driver. Kumuyom ang kamao ni Archi, may balak na naman yatang manuntok.
"El, alis ka diyan! Ako ang uupo riyan!"
Naningkit ang mga mata ni Elliot. Lumipat ang tingin sa'kin.
"Tabi kami ni Samaria?" he teased. "Okay," then he grinned.
"Fuck you!" Archi gritted his teeth in annoyance.
"The steering wheel is yours!" Halos mamuti na ang kan'yang kamao. Nagtatagis ang kan'yang bagang at nanlilisik ang mga mata. Beast mode is on.
Lumapad ang ngisi ni Elliot. "Better," he muttered.
Pabalyang isinarado ni Archi ang pinto.
"Samaria." Humihingi ng pasensya ang mata ni Ery. Siya ang tumabi kay Elliot sa harap.
"Sammy, tabi tayo." Archi's face softened when he glanced at me.
"Okay."
Hinila niya ako sa gilid at tsaka pinagbuksan. Nakasimangot ang mukhang tumingin sa harap. Inayos niya ang seatbelt ko at ng kaniya. Ganoon din ang ginawa ng dalawa.
Hindi matanggal ang ngisi sa mukha ni Elliot. Nagmumukha na siyang si Kingkong sa paningin ko.
"Hindi ako nakikipaglaro, tangina ka," mariing bulong niya sa harap.
BINABASA MO ANG
Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)
RomanceSunset Avenues #1 : Completed "I'll see you in Barcelona.." First love is meant to pave us the way for true ones. Samaria Justine Bautista grew up having a deep crush towards her childhood best friend, the Equestrian looking football player of thei...