Chapter 31

247 7 0
                                    

Chapter 31

Cielo

Pinagmasdan kong mabuti ang guhit niya. I memorized every bit of it na ang mga detalye ay nasa panaginip ko pa. Napansin ko ang maikling mensahe na nasa likod ng pahina. Masyado akong hinatak ng drawing kaya hindi ko napagtuonan ng pansin ang mensahe sa likod niyon.

Why didn't I notice it at first glance?

He's not into the path I took. We crossed ways at some point to learn. Pareho kami ng tinungong simula pero dumating ang panahon na kailangan naming lumiko.

It was exactly that night that we had to part ways. But stupid of me to still wait. Nakaupo ako sa gilid lamang ng kalye. Natuyo na ang mga luha sa pisngi at sumikat uli ang araw sa Calle Crisologo. Natabunan ng mga tao ang daang tinahak niya.

He didn't come back to make things clear or to give me his reasons.

How come you think of leaving while answering my kisses? Why do you have to leave your home? To find the path that will lead you to new ones? The one that you'll consider as your own?

Marami akong gustong itanong at hinintay ang pagbabalik niya para sagutin ang lahat ng iyon.

They sent me back in Santa Maria morning after. Their eyes filled with concern and confusion. Nangingibabaw ang takot. Paano kung magaya nga kami kila Papa?

Hindi ako matahimik sa pagtulog, iniisip ko kung bakit hindi man lang siya nagpaliwanag. He could have told me. Mahirap ba iyon? Magkaibigan kami pero bakit iyon ay hindi niya nagawa?

Ginanap ang celebration ng pagkapanalo ko sa isang resort. Premyo na rin mula sa isang sponsor. The team prepared for me. Naroon din ang ibang kandidata kabilang na si Jamaima, ang photographer at ang glam team. But the whole time I was there, nag-iisip lang ako nang malalim at matamlay sa lahat.

I planned it all in my head that I'd celebrate with Archi kahit sa panaginip na lang muna ang Barcelona.

"Umalis na pala si Figueroa?"

Siniko ni Kylie si Kendall nang mapansin ang pagbuntong-hininga ko.

"Glaina left too. Dapat ay narito rin siya," ani Gigi.

His statement left a big question mark. Posible kayang magkasama si Glaina at Archi and that she's comforting him by now?

He should have warned me. Sana man lang pinaalam niya na iyon ay despedida at hindi birthday party. Kami pa ata ang nasurpresa sa birthday niya.

Even our pet, Arc, felt it. Para siyang maamo at malungkot na nakatitig lang sa niyugan. Minsan ay naghihintay na rin siya roon mula umaga hanggang sa paglubog ng araw. Matiyaga kahit walang pag-asang babalik pa ang paborito niyang amo.

Paborito niya si Archi pero sa'kin nagmana.

I waited dusk till dawn. Hindi ako nagpatinag sa sinabi niyang huwag akong magmahal ng isang Figueroa. Eh sa mahal ko siya! Siya na ang magpalit ng apelyido pero walang magbabago.

Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na umamin bago pa man siya umalis. Ang sagot ba ng mahal kita ay ang pag-alis niya?

Mistulan akong nasa loob ng isang panaginip kahit dilat ang mga mata.

Tatakbo ako papunta sa niyugan upang huwag mahuli sa klase. He's waving at me with that familiar grin on his chestnut-shaped lips. Iaabot sa'kin ang helmet. Ngingiti at mang-aasar muna. Kadalasan ay may dalang pandesal. Biglang magpapaharurot ng sasakyan hindi ko pa man naaayos ang upo ko. Iritado ko siyang papaluin sa balikat at kakapit din sa huli.

In my dreams, we're true.

Papasok kami sa klase na pinipikon niya ako. Tawa nang tawa kahit wala namang nakakatawa. Pipitikin ang aking noo na parang itlog.

Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon