Chapter 30

288 8 1
                                    

Chapter 30

Calle Crisologo

I ran as fast as I could. I didn't mind the nonstop flowing tears, unbearable pain, fear and regrets.

Kung bakit hindi ko pa rin matanggap kahit ilang beses ko nang pinukpok ang ulo tungkol sa bagay na ito ay nakakatanga. Ang kailangan ata ay tuluyan na itong tanggalin. Kung bakit umaasa pa rin ako sa hatid ng bukas kahit ang sagot ay pinapamukha na.

I chose to wait even if it means burying chances alive.

Nananakit ang aking mga paa dahil sa pagtakbo. Mahapdi ang bawat pitik ng puso. Pinipigilan ang paghikbi na para bang kasalanan pa iyon kapag ginawa ko. Sinalo ako ng bisig ni Papa sa madilim na gabi. Doon ko lamang pinakawalan ang mga hikbing nakulong sa lalamunan ko. I could feel my father's palm caressing my hair and asking me what went wrong. I remained my silence and let the tears flow.

Pipiyok lang ako kapag pipilitin ko pang magsalita.

"Samaria, anak, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" marahan na tanong niya habang hinahagod ang likod ko.

It's my first time getting my heart broken.

"Hush."

Mas lalo akong napaiyak.

Hinigpitan ko ang yakap ko. Basang-basa na ang t-shirt ni Papa dahil sa'king mga luha. Subalit ayokong kumalas. Binura ng luha ko ang make-up at nagulo na siguro ang buhok ko. Mabuti na lamang at naalala kong ilapag sa tricycle ang mga trophies at sash na nakuha ko. Kung hindi ay baka dala-dala ko pa ang mga iyon sa'king pagtakbo.

"Anong nangyari? Makikinig ako."

Makikinig ako. Sobrang sarap at sakit sa pakiramdam. To think that this love is too shallow.

"Papa, may Glaina na si Archi," pahikbing saad ko na siyang kinatawa ni Papa.

Inilayo niya ako sa kan'ya at hinawakan sa aking magkabilang balikat. Nakakatawa nga dahil hindi naman alam ni Papa kung sino si Glaina.

"Sinabi mo na bang gusto mo siya, Sammy?"

Umiling ako, parang batang humihikbi pa rin. Paano ko sasabihin kung may nakita akong kahalikan niya? At ang masaklap pa, gusto niya rin ang taong iyon.

My Mama was the most patient human being I have ever known but Papa has the best advice for me. Tahimik lang siya lagi but his actions speak more than his words. He has been my cape all these times. He was there to lend me his wings at ngayon ay isa sa maraming pagkakataon.

Kapag nagbitiw siya ng mga salita, iyon ay may laman at malalim pang pagpapakahulugan. Hinila niya ako upang maupo kami sa bench ng town plaza. Sumiksik ako sa tabi niya.

Hindi ko magawang kalimutan ang tagpo sa pagitan ni Glaina at ni Archi. Hiniling ko na sana nga panaginip na lang ito. Ayos pa ako nang si Jamaima ang gumawa niyon. Nakapagtimpi pa ako sa lagay na iyon. At least, hindi naman siya gusto ni Archi hindi ba?

Hindi ko na dapat pa nararamdaman ito dahil una pa lang naging tapat na si Archi sa akin na gusto niya si Glaina.

But he confessed it himself many months ago, right? Last year pa iyon. Wala bang nagbago sa nararamdaman niya? Kahit konti ba wala? Hindi ba ako pwedeng umasa?

Inaasahan ko na na mangyayari ito pero hindi sa mismong pageant coronation ko. Sa labis na pagmamadali at sa takot na makita nila roon na pinapanood ko sila ang siyang nagtulak sa'kin para tumakbo.Ni hindi ko inalintana ang koronang nahulog.

"Iniiyakan mo si Archi?" pabiro niyang tanong. Ang babaw nga ng iniiyakan ko.

I swallowed the lump in my throat. I thought that this was the best night to confess. Double celebration na sana.. if only his heart wasn't taken by someone else.

Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon