Chapter 5

354 8 1
                                    

Chapter 5

Home

"Archi, iyong sagot mo kanina."

"Oh anong mayroon doon?"

Tapos na lahat ng klase namin at narito kami sa football field ng school. Busy siya sa pagkain ng hamburger habang nakatitig sa field. Hindi siya dumadaldal dahil puno ang bibig niya.

"Sino iyong fisherman na sinasabi mo?" nagtatakang sabi ko. Wala naman siyang nakwento sa'kin na ganoon.

"Ikaw yata ang may secret sa'ting dalawa," dagdag ko pa.

"Hoy, wala ah."

"Ano ang tungkol doon? May iniwan kang pangako roon sa mangingisda?"

Gaano ba ito ka-importante kaya iyon ang naisip niya?

How important a promise as a purpose to fulfill in this lifetime?

"Hindi ko na nga maalala.. Basta nangako ako doon sa mangingisda," sabay kagat niya sa hamburger.

"Ano nga iyon?"

"Iilan lang ang naalala ko tungkol doon. Noong seven years old ako at dinala ni mommy sa isang resort ba iyon. Tapos muntik na akong malunod dahil hinabol ko iyong bola. Luckily, someone saved me, isang mangingisda. I can't remember what he told me or what was the promise all about. Basta ang naaalala ko, nangako ako."

"Sira ka ba?"

Napakamot siya sa ulo. "Hindi ko nga rin alam. Nangako ako pero hindi ko alam kung ano iyong pinangako."

Tumango-tango na lang ako at uminom ng tubig. Siguro nga importante iyon na kahit hindi niya maalala kung kanino o para saan ay nanatili pa rin sa isipan niya.

"He refused to receive the money from my mom. Kaya siguro nagawa ko iyon, para man lang mabayaran ko iyong pagliligtas niya sa'kin. Curios nga ako eh kung ano iyon."

"Okay."

Ilang sandali lang nang tinawag siya ng coach nila. Ngumiti siya sa'kin at nagpaalam saglit.

"Sige, galingan mong sumipa," I told him.

He winked at me and mouthed "Oo naman, ako pa!"

May practice kasi sila dahil papalapit ang tournament, he's the captain ball kaya dapat seryosohin niya.

Iniwan niya sa'kin ang iPhone niya. Hindi ko kasi dinadala iyong Android phone ko dahil most of the times, hindi ko naman kailangan. If it's entertainment, sobra na si Archi. If it is for academic purposes, nand'yan din naman si Archi.

Binuksan ko iyon at naglaro na lang ulit ng games. Nakaramdam ako ng pagkabagot kaya ang pagkuha naman ng pictures ang ginawa ko. I took some selfies pagkatapos siya naman ang kinuhanan ko.

Para nga siyang tanga eh, alam yata na nagpi-picture ako kaya ngingiti na lang bigla kahit pinagsasabihan siya ng coach niya. Natatawa na lang ako.

Mas lalo kong pinag-igihan. Namamangha talaga ako minsan sa mga gamit ni Archi, mamahalin at branded pero hindi ko siya kailanman narinig na pinagyabang niya ang mga iyon.

Nandiyan iyong bigla na lang siyang magpi-peace sign sa ere habang sumisipa ng bola. Natatawa na rin ang mga players gaya niya sa trip niya.

Napapitlag ako sa biglang pagsulpot ng mga kaklase ko sa baba lang ng bleachers. Hindi naman bawal ang manood basta huwag lang silang mang-istorbo.

Hindi pa man sila nakakalapit sa pwesto ko pero nahahalata ko na ang masama nilang tingin.

Who would ever thought na nag-eexist pa pala ang mga senaryong ganito? Aawayin ng mga grupo ng spoiled rotten girls ang isang babaeng mababa lang ang status sa buhay?

Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon