Chapter 25
Sixteenth
And I wished the same for you too.
We don't need a wishing star to chase our dreams, to set our goals and to realize upon ourselves for the things we are wishing for.
It is just a naturally occurring phenomenon that we only happen to witness under the sky.
Nothing new. Nothing relevant. We spend time thinking about the significance of a shooting star in our lives. It has none. It has nothing to do with our fate and goals.
Our paths keep on changing directions, we are all uncertain individuals hoping for a better future but it does not depend on a wishing star.
That's for Archi.
But the fact that we'd take a moment to stop and realize things the way we never did before is something.
'I want the best for him too, Don Manuel.'
Hindi ako magsasawang sabihin iyon.
Malamig ang simoy ng hangin ng Disyembre. Pinipigil ko ang sariling huwag maidlip habang naliligo madaling araw ng December 16. Maaga kaming ginising nila mama at papa para makapagsimba. Nanginginig ako sa lamig na nanonoot sa aking buto.
Unang araw pa lang ay isang malaking pagsubok na sa akin ang pagligo nang maaga sa ganitong kalamig na panahon.
Nang-arkila si Papa ng tricycle. Maaga pa lamang pero punuan na ang simbahan ng Santa Maria. Meron pang nakatayo sa labas. Hindi na magkasya sa loob. Ang sabi ni Mama ay ganoon talaga kapag unang araw. Magkatabi kaming naupo ni Hemi.
Ganoon na lamang ang pagpipigil kong huwag maidlip sa loob. Samahan pa ng tunog ng electric fan sa aming gilid. Hindi ko namamalayan ang bigla kong pagsandal sa balikat ni Hemi. Tinampal niya ako sa pisngi, nakakunot ang noo.
"Pasenya na. Inaantok na ako, eh," I groaned. Pinilit ulit ang matang manatiling dilat.
"Buong pamilya ang dumalo ng misa. Ang gandang pamilya ano?"
Napamumat ako sa narinig mula sa dalawang matandang nag-uusap sa aming harapan. Napalingon ako sa direksyon ng kanilang mata. Saglit na nawala ang antok ko nang mahagilap ang mga Figueroa.
They portrayed a perfect family. Nakangiti si Madam Laurana habang nakakapit sa braso ng kan'yang asawa. Ang mayor naman ay kinakamayan ang mga kakilala. Nakasunod sa likuran ang dalawa nilang anak.
They were properly made up. Kumikinang ang sequins sa dress ng first lady habang nakasuot naman ng barong tagalog ang mayor. Miss Julianna wore a simple elegant dress and stilletos.
Archi's behind in his denim long sleeves rolled until it reached his elbows. Nakabrush-up ang buhok. Nakaside-view siya sa aming pwesto, making his pointed nose and beautifully shaped lips prominent.
He's way better with the Valencia. Hindi ko alam kung ano ang basehan ko kung bakit ko nasabi iyon. Marahil ay iba't-ibang emosyon ang nakikita kong pinapakita niya kapag kasama niya ang mga pinsan niya.
Hindi kagaya ng Archi na anak ng politiko, blangko ang mukha at hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip. Parang ang layo niya sa kaibigan ko. Parang ang hirap niyang abutin sa apelyidong nakakabit sa pangalan niya.
"What a.." Hemi whispered. Kinurot ko siya sa braso. Matalim ang kan'yang tingin partikular sa first lady. "Patay na patay ka talaga kay Archi ano?" walang habas na tanong niya.
"Ano naman? Kayo ni Kelvin? Kamusta na?"
"No comment."
Nanligaw kaya pero tumigil din? O sinagot pero hindi sila nagtagal? Pwede ring sa first date lang pero hindi na nasundan pang muli.
BINABASA MO ANG
Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)
RomanceSunset Avenues #1 : Completed "I'll see you in Barcelona.." First love is meant to pave us the way for true ones. Samaria Justine Bautista grew up having a deep crush towards her childhood best friend, the Equestrian looking football player of thei...