Chapter 15
Muse
Kinaumagahan ay nagkukumahog na kaming apat para makarating sa football field kung saan gaganapin ang mga running events. Nagtatali ako ng buhok ko habang tumatakbo kami papunta roon.
Hindi na malaman ng tatlo ang gagawin. Kabado rin sila tulad ko. Nasa kani-kanilang pwesto na ang mga kalaban at ako na lang ang kulang. Automatic na default na sana ang team namin kung nahuli ako ng dating.
The three pressed my shoulders while whispering words of encouragement. Ang mga nasa kabilang hanay ay napapatingin talaga sa'min dahil kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig ng tatlo.
"Go Sammy! Kaya mo iyan girl!"
"Para kay fafa! Go go go! Keri-keribells!"
Umatras lang sila nang napuna ng guro.
Pumwesto kaming lahat. Yumuko ako at sumunod sa mga ginagawang hakbang ng mga katabi ko. Halata na hindi sila bago sa larangan na iyon. Tagaktak ang pawis ko hindi pa man tumutunog ang pito.
Ako na baguhan lang at hindi pa sigurado sa pinasok ko. At ang mga katabi kong representatives yata ng school namin sa mga ganito. Mas lalo pang nagpakaba sa'kin ang pagdagsa ng mga estudyanteng manonood. Nagpakawala ako ng buntong hininga at itinuon na lamang doon ang atensyon.
At nang tumunog ang pito, umalingawngaw sa field ang hiyaw ng pangalan ko galing sa tatlo. I used all my might and strength. I tried not to look at my competitors. I aimed the finish line.
Hindi pa man tapos ay hiningal na ako pero pinagpatuloy ko.
No, hindi ka pwedeng matalo, Samaria. You are aiming for Miss Intramurals, right?
Nakadagdag sa pressure na nararamdaman ko ang cheer ng mga estudyante para sa mga kalaban ko. There are some who cheered for me..
But even if you die for it, kung hindi para sa'yo, mananatiling hindi. Acceptance is a must. Tanggapin ang sariling pagkatalo. Ganoon ang ginawa ko. I garnered the third place. Naghahabol ng hininga akong napaupo sa damuhan. Mabilis akong dinaluhan ng tatlo.
"Okay lang iyan, Sammy girl."
"True."
"Hindi ba fifty percent beauty naman?" Tumango-tango sila.
That alone won't give me the title. Kailangang may isang event akong maipanalo. Huwag iasa sa mukha ang lahat hindi ba? Anong magagawa ko? Hindi ako magaling sa sports..
"Maiintindihan naman siguro ni Ma'am."
"You still did your best, Sammy girl."
"Sapat na na ikaw ang tumayong muse namin."
"Iba pa rin kapag naipanalo ko iyon," dismayadong sabi ko.
I lost my one and only chance. Wala na akong alam na sasalihan bukod pa roon. Wala naman akong alam na sports. Isa pa, finals na iyon. Kung sino ang nanalo, siya na.
Nahihiya na tuloy akong magpakita kay Ma'am Romualdez. Paano kapag nalaman niyang hindi ko iyon naipanalo? She'd still be proud of you, Sammy! Kagaya noong trashion show, nakalimutan mo na ba?
Kasama ko ang tatlo sa pagkain ng meryenda. Pagkatapos naming ubusin ang lahat ng iyon, nagtingin-tingin kami sa schedule. Nagulat kaming lahat sa biglang pagtalon ni Kendall na parang may nabasang article na ikauunlad ng bansa. He just shrieked and hit us for five minutes straight bago siya nagsalita.
"Sammy! Sammy! Nag-chat si Ma'am Romualdez! Ang sabi niya, ang sabi niya, nag-back out iyong isasali natin sa 1.5 kilometer run! Nagtatanong kung kaya mo daw ba?"
BINABASA MO ANG
Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)
RomansaSunset Avenues #1 : Completed "I'll see you in Barcelona.." First love is meant to pave us the way for true ones. Samaria Justine Bautista grew up having a deep crush towards her childhood best friend, the Equestrian looking football player of thei...