Chapter 9

317 8 3
                                    

Chapter 9

Rescue


Nahati ang oras ko sa academics at sa preparation para sa trashion show. For me, it wasn't a burden. Mas excited pa nga ako sa practice ng ramp kaysa sa klase. Lumilipad ang diwa ko at hindi na talaga makapaghintay na matapos ang oras. Pakiramdam ko nababagot na ako sa pakikinig at rampa na lang ang nasa isip.

Archi was there. Kahit nakakunot ang kilay at ang gitla ay lumalalim sa tuwing naka-make-up at nakasuot ng shorts. Para siyang ibon na nakamasid sa uod.

I kept in mind ang mga susunod pang pageants. Makakatulong siguro iyon pang-college ko. Aware naman ako na hindi na kakayanin Mama at Papa na pag-aralin kaming dalawa ni Hemi sa college.

Hanggang ngayon, tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung tama ba ang daan na tinatahak ko. But then again kung pageantry ang magiging priority ko, surely it will fade in time. Same with modelling, hindi iyon magtatagal. Kukupas ang ganda kaya hindi rin dapat mawala ang diploma.

For the nth time, hindi ko pa rin nakukuha ang sagot na gusto ko. Ito ba talaga ang daan na gusto ko o sumusunod na lang ako sa tingin ko ay masusuportahan ako ng mga magulang ko?

Kahit na saan pa iyan.. Surely, nandiyan si Archi.

"Next outfit!"

Pumalakpak si Kendall. Katatapos ko lang isukat ang isang kulay itim na gown na gawa sa trash bags. At ang top naman ay tube na gawa rin sa dyaryo. Ito ang susuotin ko bilang panimula. Ang mga iba pang designs ay ginagawa pa ng grupo ni Gigi.

Hindi ko maramdaman ang pagod. Even if I have to spend my weekends working on these, I won't feel bored nor tired. Ganoon nga siguro kapag gusto mo ang isang bagay, wala sa'yo ang pagod. It is a time well-spent. Walang oras sa tingin mo ay sayang dahil gusto mo ang ginagawa mo.

"Kyle! Susuotin niya rin iyan?" Disgust was visible in Archi's eyes.

"What? Maganda naman! Bagay na bagay!"

Pinasadahan ako ng tingin ni Archi. Tumigil iyon sa nakahantad kong legs. Pangalawang suot ko ang tinutukoy niya. Mahusay ang pagkakagawa ng design na hindi ko lang alam kung anong materyales ang ginamit. Hinalo kasi.

"Oo nga, Archi," sang-ayon ko. I fixed my hair into a bun at hindi na nag-abala pa si Kylie sa make up.

Tinanggal ko ang stilletos na suot ko at lumapit sa pwesto niya. Magmula noong tinanggap ko ang trashion show ay mas lalong naging over protective at conservative si Archi.

"Disiciete ka pa lang."

Iyon ang malimit niyang dahilan. I shrugged it off. Teenager pa rin ba ang tingin niya sa'kin? Oo nga at eighteen na siya at porket ba wala pa ako sa legal age ay prohibited na ako sa mga ganito?

"Okay lang naman siya, Archi."

Hindi naman nakikita ang hindi dapat makita. Bakit ba ang oa nito?

Palagi niyang tinatanong sa'kin kung anong oras ang practice at fitting. Palapit ang tournament pero chill lang ang loko at pinapanood ako sa sulok.

Inspired tuloy ang mga kasama ko dahil sa tuwing may practice kami ay nandiyan si Archi! Bukod pa sa libre niya ang meryenda at nagdadala ng kung ano.

He became my escort.

I'd always feel the butterflies in my stomach everytime he'd hold my hand. Ingat na ingat siya na huwag akong madapa. He's caring. Kapag busy na ako, manonood lang siya ng football highlights sa phone niya. Hihintayin niya ako hanggang sa matapos.

"Sabi mo eh," masungit na aniya.

Ngumiti ako. This guy! Hindi na niya ako kinausap at nanood ng as usual na football highlights. Buti nga at hindi..

Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon