Chapter 18
Debt
Napairap ako. Tumigil siya sa kakatawa pero ang bahid ng ngisi ay naroon pa rin.
"Sinong may sabi? Na walang nagkakatuluyan sa Jollibee?"
He shrugged his shoulders.
"At dahil lang doon kaya hindi ka na bumili roon?"
Nagkibit ulit siya ng balikat. Para akong tanga na naghihintay na sagutin siya. Habang pangisi-ngisi lang siya.
"Against ka kay Kelvin at Hemi ano?"
"Kelvin? Pangalan nong kasama ni Hemi?"
"Oo. Kilala mo?"
Sumandal siya sa bato. Kinuha ang gitara at nag-strum.
"Hoy! Kilala mo nga?"
"Iyong pinsan niyang dugyot lang," he smirked.
Lumalim ang gitla sa noo ko. Pinsan ni Kelvin? Si Walter kung ganoon?
"Bastos ng bunganga mo! Anong pinsan niyang dugyot?"
Aaminin kong hindi ko gusto si Walter. Tumaas ang kilay ni Archi. Tumigil sa pag-strum. Ngumisi ulit siya at hinablot ang may kagat ko ng pizza. Bumalik siya sa pagkakasandal, mukha pang ninanamnam ang sarap ng kinakain na pizza.
"Dugyot naman talaga."
"Paano mo nga nasabi?"
Kung anu-ano ang lumalabas sa bibig ni Archi. Kung sino man ang nag-impluwensya rito ay masasapak ko siya.
"Na dugyot ang pinsan ni Kelvin?"
"Archi!"
"Basta dugyot siya maglaro. Ang gagong iyon."
"Bakit? Anong ginawa niya?" I cupped his face, looking for damages. Wala naman.
Inisang lunok niya ang pizza'ng kinakain. Lumapad ang ngisi sa labi. Napansin ko ang pamumula ng kaniyang balat at mukha, sanhi siguro ng pagbababad sa paglalaro. Bagay na bagay talaga kay Archi ang kutis niyang moreno.
"Seryoso, Archi. Anong ginawa ni Walter?"
"Eh naiinis ako sa mukha niyang dugyot."
Nalaglag na ang panga ko. Hindi makapaniwala sa inaasta niya. Hindi naman pwede na basta na lang na ayaw mo sa isang tao? At kailan pa nanglait ng dugyot si Archi sa ibang tao?
Just this once. Pinagduduldulan pa ang salitang 'dugyot'.
Bigla niyang hinila ang aking palapulsuhan.
"Saan mo ito nahanap?"
"Si Papa ang nakapulot niyan. Iyong sa'yo, wala na ba talaga?"
Pinaglapit niya ang mga braso namin. Bakas ang panghihinayang sa bracelet na naiwala niya.
"Tara." Hinigit niya ako patayo.
"Saan naman? Paano itong inihanda mo?"
"Hintayin natin na tangayin ulit ng alon iyong kapares niyan."
"Huh? Meron bang ganoon? Makakasigurado ba tayo?"
His determined face convinced me. Umupo kami sa dalampasigan. Our shadows reflect two lost souls waiting for the unknown to come home.
I looked at my bracelet. And their stories are bound by the means of a significant string, a bracelet.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa'min.
BINABASA MO ANG
Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)
RomanceSunset Avenues #1 : Completed "I'll see you in Barcelona.." First love is meant to pave us the way for true ones. Samaria Justine Bautista grew up having a deep crush towards her childhood best friend, the Equestrian looking football player of thei...