Chapter 32
Boyfriend
"Pakibilisan naman, Jennie!" kunyari ay nayayamot na sabi ko.
"Wow! Ikaw ba ang nakapila? Sorry ha?" mataray na aniya.
"Anniversary niyo today so libre mo ako!" Tumawa ako.
Umirap siya at nag-proceed sa pila.
"Ka-imbyerna kayo! Bakit hindi niyo ako hinintay?" padarag na ibinagsak ng bagong dating ang libro niya.
"Eh sa ang tagal mong tumae?"
He winced and put on foundation. He crossed his legs. Parang kailan lang noong umamin siya sa'king crush niya ako ah? Ngayon ay mas maarte pa pala sa'kin. He literally came out of his shell. Halos lahat naman kami ay ganoon.
"Leomer, ang gwapo mo today.."
"Shut up. Don't me ha. Mas maganda pa ako sa'yo," wika niya.
Tama nga ang bakla, mas makapal pa ang foundation niya sa'kin.
"And it's not Leomer, like eww! It's Leah!"
"And here pala, chocolates from your admirer. Bongga lang ang fafa mo, kahit hindi Valentine's, may pa-chocolates."
"Bakit mo binibigay?"
"Sabi ko nga, ako ang kakain."
"Since junior high ba naman hanggang pa-graduate sa college, nakakaumay!"
Humalakhak ako. Muntik na niya akong sampalin.
Malaki ang kaibahan ng kolehiyo at highschool. Naniniwala na ako sa sinabi ni Hemithea tungkol doon.
Entering college is survival. I was determined to finish school. Dinala ko ang determinasyong makatapos mula sa unang hakbang sa kolehiyo hanggang sa muling pagbubukas ng bagong kabanata.
I was glad I had a sister who worked as a teacher. Nang dahil sa kan'ya, hindi ako masyadong nahirapan sa kursong kinuha. She guided me every step of the way. I had no friends during the first day. Wala akong masyadong nakakausap dahil karamihan sa aming klase ay nagmula pa sa iba't-ibang bayan sa probinsya. Puro babae pa at bading at bilang lang din sa kamay ang mga lalake.
Dalawa lang ang kakilala ko noon..nakakatawa talaga kung paano maglaro ang tadhana. Hindi kami magkasundo noong highschool tapos biglang magkakaibigan na kami. I laughed as our high school memories flashed.
I am against bullying. But I do believe that whatever grudges they had against me during our highschool days, they eventually got over it. I got over it.
I forgave her and I listened to her. Hindi man iyon sapat na rason para mangmaliit ng ibang tao, nagpatawad ako kagaya ng pagpapatawad Niya.
She told me everything when she's drunk. How tired she was proving herself and being compared. Nakinig ako sa kwento niya at naintindihan ko kung bakit naging ganoon ang turing ni Jennifer noong high school.
"Naiinggit ako sa'yo, alam mo ba iyon? Mayaman nga kami pero walang nagmamahal kahit ni isa sa'kin. Ikaw, may kapatid kang kayang gawin ang lahat. May mga magulang kang mahal na mahal ka. Mga kaibigan na kaya kang damayan. Marami akong kaibigan pero ni isa sa kanila ay kailanman hindi ako itinuring bilang ako. Kaibigan lang nila ako dahil kailangan nila ako. Inggit na inggit ako sa'yo, Sammy."
"Gusto kong palayain ang sarili sa rebultong itinayo ng mga magulang ko para tularan ko. Dahil hindi ako iyon, ayokong maging ganoon. Iba ako, may sarili akong pangarap at hindi ko nanaisin na habang buhay akong sumusunod sa yapak ng iba," she sobbed. And she told me a secret.
BINABASA MO ANG
Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)
RomanceSunset Avenues #1 : Completed "I'll see you in Barcelona.." First love is meant to pave us the way for true ones. Samaria Justine Bautista grew up having a deep crush towards her childhood best friend, the Equestrian looking football player of thei...