Chapter 6

326 8 0
                                    

Chapter 6

Lipstick

A memory of a helpless bullied girl while she was being carried by a tall boy at his young age crossed my mind. Years passed by, nothing has changed. And hoping it would last for a lifetime..

"Hindi kita pipiliting magsalita sa ngayon. But my arms are always open if you need something..I hope you know that, Samaria."

I nodded. Why does it feel different whenever he calls me by my real name 'Samaria'? It gives you hope that he could look at you more than just a friend. Hindi bilang si Samsam o si Sammy kung hindi bilang si Samaria.

Wala pa ring nagbago. Siya pa rin ang batang palagi akong sinasalo sa tuwing tinutulak ako palayo ng mga kalarong ayaw sa'kin. Siya pa rin iyong palaging naghihintay, na kahit hindi ako nagsasalita ay alam na may problema.

He may not know what my problem is all about. Sinisigurado niya na sa huli, naroon siya upang damayan ako. Everytime. Every single step of the ladder. Every struggle. Every single tear.

And if he'd just let me, gusto kong nandoon din ako..kahit hanggang kaibigan na lang.

He made sure I already stopped from crying. He brushed off my tears. We were silent and let the waves spoke for us.

"Padaong na ang bangka ng Papa mo. Hindi mo ba siya sasalubungin?" aniya. "Sige ka, isusumbong kita kay Uncle Fred. Sa tingin mo masisiyahan siya kapag nakita ka niyang ganiyan?"

Dumako ang mga mata ko sa tabing dagat. Naririnig ko na ang tunog ng bangka. Naaaninag ko ang malabong pigura ng taong kumakaway. Si Papa.. Mula sa bahay namin ay lumabas si Mama.

I know what does it mean by a boat coming back to the shores of lonely night.. for them, it means hope. My father finds a solution to a problem by the means of sailing the vast sea of ocean waves under the moonlight. My sister and my mother would wait along the shores, paving the way of uncertainties.

"Sammy."

"Paano ka? Uuwi ka na?"

It's getting late. May helmet nga siya pero no one can predict an accident. Anak nga siya ng alkalde pero paano kung makasalubong naman siya ng masasamang loob? Kinatatakutan ang pamilya nila sa bayan namin pero paano naman ang kalaban nila sa politika?

"Don't worry about me. Iniingatan ko ang pag-aari ko." He smiled a bit, pertaining to his precious motorcycle.

"Now, take a step. Nandito lang ako. Uuwi na kapag siguradong ligtas ka na."

Kumalas ako sa yakap niya at tipid na ngumiti. Tumalikod at naglakad patungo ng aming bahay.

"Anak! Mukhang maraming nahuling isda ang papa mo!" si Mama.

Napansin niya ang mukha kong galing sa pag-iyak. Nabura ang kan'yang ngiti at lumipat iyon sa taong nasa kalayuan na parang alam na niya noon pa man.. na siya na lagi ang nandiyan para sa'kin. 

Nagpakawala siya ng buntong hininga at pinisil ang braso ko. Sana kagaya ako ni Mama o kaya ni Papa. How I wish I could be as forgiving as my mother. As patient as my father. As strong and self reliant like my sister.

Naiiba ako sa pamilya. Makitid ang utak, walang silbi at ambisyosa.

How many times do you have to witness your mother's pleading eyes before you come back to your senses? How many times do you have to doubt your family's capability to make you happy? How many times do the world have to slap you that you are being ungrateful whenever you hope for something more?

"Matutulog na ako, Ma. Sana hindi na maulit pa iyong nangyari.."

Nagkasalubong kami ni Hemi sa pintuan pero pareho kaming nag-iwas.

Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon