Chapter 27
Twelve Roses
Rose petals poured like raindrops. Petals and hourglasses at eighteen. Cupid's bow can be found everywhere. Some have already found their 'Psyche' and some unbothered. Ang iba ay nasa ilalim pa rin ng love potion at hindi pa maamin ang totoong nararamdaman.
Many are still in the healing stage, waiting for the right bow to come. Month of love is exactly my birth month. Unang araw ng Pebrero ay binilang ko na sa isip ko ang eksaktong seniors ball namin dahil kasabay niyon ang mismong kaarawan ko.
Nagising ako kinaumagahan sa malabong pigura ng lalakeng nakaupo sa tabi ko. He's wearing something, a party hat maybe. I couldn't figure it out. His face was being blocked by red rose petals. But the lights coming from the window showed me how magical mornings could be with him in it.
"Wake up, birthday girl," he whispered gently.
Umingay ang paligid nang dahil sa torotot.
'Magtatapat ako sa kan'ya when the month of love comes', iyon ang unang rumehistro sa isip ko. Hindi ang mismong birthday. Nagising sa kan'yang malamig na boses. Hinawi ang rosas na nakatakip sa mukha upang sa huli ay mahulog sa matamis at nanunuksong ngiti.
"Happy birthday, Samsam!" he chuckled.
"Sammy, gising na. Happy eighteenth birthday!" masiglang boses ang narinig ko.
It was a dream, a precious one.
"Happy Birthday, Sammy!"
Nagising ako sa kanta. Birthday ko na pala. Nasa tamang edad na ako! Hinalikan ako ni Mama at Papa sa'king noo. Nakasuot silang lahat ng party hats. Nasa harap ko rin ang cake, hawak-hawak ni Hemithea. Ngumiti ako at nagpasalamat.
"Pwede na ang alak, Papa?" tudyo ni Hemi na siyang kinailing ni Papa.
"Eh boyfriend po?" I sounded hopeful.
Nagkatinginan sila ni Mama. "Depende kung sino," pahiwatig niya at tumawa.
Inabot ako ni Papa at itinayo. Kinuha niya ang aking dalawang kamay at ipinatong sa kan'yang balikat. Naalala kong ganito rin ang tagpo noong eighteenth birthday ni Hemi. Isinayaw din siya ni Papa noon.
"Dalaga na ang Samaria namin," aniya. "Pasensya na at cake lang-"
"Papa, ayos lang," sansala ko.
Nilubayan nila ako nang dumiretso ako sa banyo at nagbihis, papasok sa escuela. Ngayong umaga lang kami required na pumasok at hindi na sa hapon. Ang sabi ng faculty ay kailangan din naman namin ng pahinga para sa magaganap na ball mamayang gabi.
Ngumiti si Mama sa'kin paglabas ko. Hinaplos niya ang aking pisngi.
"Ang ganda-ganda mo na, Tine.."
Tine. Kailan ko ba huling ginamit ang pangalan kong iyon? Sa Ilocos Norte.. Naisip ko ang mga Valencia, kamusta na kaya sila? Si Ery at Elliot..
Tipid akong ngumiti, nahihiya. "Kanino po ba ako nagmana?"
Hinila ako ni Mama para yakapin. "Huwag mo kaming kakalimutan, ha?" sambit niya.
Naguluhan ako. Kakalimutan bakit? Kapag ba nakatungtong na sa tamang edad, nagiging makakalimutin na?
Inubos namin ang cake na binili pa pala ni Hemi. Pagkatapos ay nagmamadali na akong nagpaalam. Excited ako paglabas. Naghihintay na sa niyugan ang nakatayo at nakapamulsang si Archi. Lumapad ang ngisi ko at tumakbo papunta sa kan'ya.
He spread his arms widely. "Archi, eighteen na ako!" I shrieked.
Tumingkayad ako at lumambitin sa kanyang leeg. Bumitiw din ilang sandali at inayos ang sarili nang mapagtantong masyado kaming malapit.
BINABASA MO ANG
Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)
RomanceSunset Avenues #1 : Completed "I'll see you in Barcelona.." First love is meant to pave us the way for true ones. Samaria Justine Bautista grew up having a deep crush towards her childhood best friend, the Equestrian looking football player of thei...