Chapter 14
Sweetheart
"Tapos na ang midterms! Guys, road to finals na tayo!"
Our president announced. We all rejoiced. Ang mga boys sa pangunguna ni Archi at pag-uudyok ni Luis ay sabay-sabay silang sumampa sa mga upuan namin at nag-twerk. Napuno ng tawa ang classroom namin. Nakisabay na lang din kaming lahat.
"Walang tatalo kay Archi sa patambukan ng pwet!" Kendall pinpointed.
Naghiyawan kaming lahat. Walang nanaising magpatalo. Walang nais magpaiwan.
Isang semester na lang at papasok na kami sa bagong yugto ng edukasyon. Bagong mundo kung saan walang kasiguraduhan at sipag, tiyaga at kapal ng mukha ang kailangan.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. The feeling is different. Kasiyahan at kalungkutan ay nagtatalo. Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng aming classroom.
Ang mga kaklase kong may kanya-kanyang mundo.
"Anong sports mo?" Gigi suddenly asked. We were in the school's football field. Maraming nagtetrain sa track and field, the athletes.
"Ewan ko. Muse?" I laughed.
Groups for the intrams that will take place next week were proclaimed earlier. Lahat nagdiwang. Una muna ay dahil tapos na ang midterms. Pangalawa ay makakapagpahinga kami ng tatlong araw dahil sa intrams.
Well, not for those athletes out there, kagaya ni Archi.
"Say yes to intramurals tayo! Say yes to hot athletes particularly football players!" Napangiti na lang ako.
"Bongga. Kailan nga ulit ang parade?"
"Tanga! Tinatanong pa ba iyan? Syempre bukas na!"
"Kaagad? Walang practice?"
Sabay na binatukan ni Kendall at Kylie si Gigi. Umatras pa ako nang konti para lang maabot nila si Gigi.
"Palibhasa hindi ka nakikinig sa orientation kanina!"
The four of us were in the same team. They are all part of our volleyball team. They volunteered, tho.
Ako? Muse na lang siguro ang role ko. Tagahawak ng banner. Kung iyon ba ay sapat na bang ambag. Dehado ang team namin. Sino ba namang team leader ang hindi map-pressure kung ang kalaban ay ang nag-iisang Archimedes the Great.
Ikinalulungkot ko lang ay sa loob ng limang taon, ngayon lang na hindi kami magkagrupo ni Archi. Archi is the team leader. Galing lahat sa seniors ang team leaders. Kaya nga siya busy sa buong araw na ito dahil bukas na ang parade and definitely the opening.
"Wala kayong practice sa volleyball?" tanong ko sa kanila.
Definitely ay lahat na ng team ay busy sa araw na ito. Ewan ko sa kanilang tatlo at bakit sila nandito.
"Nasa auditorium sila. Nakakabanas nga eh, porke bakla hindi na alam pumalo ng bola? Paluin ko sila sa pwet, eh," gigil na anas ni Kylie.
"Sure ka talaga? Wala kang sports na sasalihan?"
"Hm? Rarampa na lang ako sa parade bukas para Miss Intramurals na," nangingiting sabi ko.
These three nominated me to be the muse of the team. Majority of the votes naman ay napunta sa'kin. But still, I have to join at least one event.
"Sa chess na lang kaya, Sammy girl?" sambit ni Kendall.
"Anong gagawin niya roon? Irarampa niya ang mga chess pieces? Isip nga, Kendall." Umirap si Kylie.
BINABASA MO ANG
Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)
RomantikSunset Avenues #1 : Completed "I'll see you in Barcelona.." First love is meant to pave us the way for true ones. Samaria Justine Bautista grew up having a deep crush towards her childhood best friend, the Equestrian looking football player of thei...