Surreal. Puesta Del Sol came from a Spanish word meaning sunset and I titled this last chapter as Puesta Del Sol to represent the beginning of a series of eternal endings. This is the first story here on Wattpad that I have ever finished. For me, it set the canvas for more written endings, stories of love that are meant to be remembered when the sun is setting down. And here's to you, who finally reached this point, I hope that Flashed Golden Photographs 'captured' your heart - into a series of flashbacks - sceneries and memories.
This is the last chapter. The next one would be the epilogue. Thank you for reading!
__
"Why did you join Barcelona?"
Mahapdi ang sinag ng araw na tumatama sa aking mata. I couldn't find the way to escape. The harsh waves are trying to drown me. I cried for help but it kept on pulling me into the realm of darkness.
Everything seemed like a blur. Hindi ko magawang iahon ang sarili sa pagkakalunod. Hanggang sa mahagip ng aking nanlalabong paningin ang isang mangingisda. He heard me. Ang huli kong naaalala ay ang paghila niya sa'kin pataas sa kan'yang bangka.
"Naririnig mo ba ako, hijo?"
I coughed to death. The place was unfamiliar and so the fisherman.
"Huwag kang matakot sa akin. Nasaan ba ang mga magulang mo? Anong pangalan mo?" sunod-sunod niyang tanong.
Pilit kong naaninag kung nasaan akong parte ng resort. Kumurap ako nang ilang beses bago ako naupo sa kan'yang bangka. Nilinga ko ang paligid bago ako tumingala sa mangingisdang nagligtas ng buhay ko.
"Hijo?"
"Archi. Archi ho ang pangalan ko. Maraming salamat po sa pagsagip.."
"Walang anuman pero sana hindi mo na lang hinabol iyong bola. Muntik nang malagay sa alanganin ang buhay mo. Malalim na parte iyon at kung hindi lang ako nagkataong padaong doon ay baka tinangay ka na ng alon," sambit niya.
"Teka nga, nasaan ba ang mga magulang mo?"
"Archi!"
Narinig ko ang boses ni Mama. Nagsidatingan ang maraming bodyguards. She went to me. Agad na pinalibutan ng kan'yang mga tao ang lalake.
"Ma, you don't have to worry. I'm perfectly—"
Hindi niya ako pinansin. Nagmartsa siya papunta roon sa lalake. The man was standing tall and lean. I couldn't recognize his face as he was new to me.
Walang emosyong iniabot ni Mama ang bungkos ng pera pero ang mag-angat ng tingin doon ay hindi ginawa ng mangingisda.
Mama tried to slap an insult pero nanatiling matatag ang anyo ng mangingisda. May mga tao palang ganoon na hindi tumatanggap ng kahit na anong kapalit. His deed is driven by his willingness to help.
He saved a life. He saved my life.
"No, ma'am. Tama lang ang ginawa kong pagligtas sa buhay ng anak ninyo. Kahit na sino man na nasa katayuan ko ay gagawin iyon at isa pa, hindi ako humihingi ng kapalit," sambit niya at makahulugang ngumiti.
He was about to turn his back when I thought of compensation. Wala akong maaaring ibigay sa mangingisda kung hindi ang aking salita sa pagkakataong iyon. I had no money.
Nothing to offer but my words. Tumakbo ako upang harangin siya sa kan'yang lalakaran.
"Do you have a daughter?" I asked firmly.
Lumingon siya sa aking kinatatayuan. Sumilay ang ngiti sa kan'yang labi. I hated the way he messed with my hair like I was some kind of lost kid. His expression amused and impressed at the same time.
BINABASA MO ANG
Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)
RomanceSunset Avenues #1 : Completed "I'll see you in Barcelona.." First love is meant to pave us the way for true ones. Samaria Justine Bautista grew up having a deep crush towards her childhood best friend, the Equestrian looking football player of thei...