Chapter 10
Lost
On the way. Hindi na muli nasundan pa iyon. Nag-out na rin siya sa messenger. Nakahinga ako nang maluwag at nawala ang bigat sa dibdib ko.
Magtatanong siya kung ano ang ginagawa ko rito.
Napatingin ako sa oras sa phone ko. Past 5 pm na. Nag-aalala na sila Mama dahil kanina pang umaga ako wala. Hihingan ako ng paliwanag ni Archi, panigurado.
Makakapagsinungaling ba ako sa kan'ya? At ano naman ang idadahilan ko?
Huminga ako nang malalim. Bahala na. Ilang sandali pa nang pumarada na sa harap ko ang pamilyar na motor at ang driver nito.
"Archi!" bulalas ko.
Hindi pa man natatanggal ang helmet ay aware na ako sa mariing titig sa'kin ni Archi. Gusto kong panuyuan ng balahibo. These past few days ay pakiramdam ko bigla na lang siyang naging seryoso maliban na lang kahapon noong sumandal siya sa'kin sa football field.
Walang imik na binigay niya sa'kin ang helmet. Tumalima ako kaagad at sumakay. Mabilis na pinaandar niya iyon hindi ko pa man maayos ang sarili ko. Napahawak ako nang mahigpit sa balikat niya.
Tumatakbo sa isip ko ang nangyari sa buong araw. Napagod ako at higit sa lahat, nakonsensya.
Mayroon pa pala ako n'on. Konsensya.
Ironic to ask for something you regret having in the end. Buying something unnecessary in exchange of essential needs. You prioritize your wants more than your needs. Why do these things matter to you so much? Why? To cope up with people whom you want to associate yourself with?
Really. Bakit ko ba ito ginagawa? Masaya ba ako nito?
Matamlay ako pagkababa ng motor ni Archi. Umiiwas ako, totoo iyon. Ano bang mukhang ihaharap ko?
I mouthed thank you at akmang tatalikod na nang hilahin niya ako pabalik.
"Saan ka galing? Anong ginagawa mo roon? Bakit ka mag-isa? Bakit hindi mo sinabi kahapon na lalabas ka pala ngayon?" sunod-sunod niyang tanong. "Anong oras na.." mariin niyang sabi. Hindi niya pa rin binibitiwan ang braso ko.
"Lumabas kami nila Kylie."
"Tapos?"
"Bonding, ganoon, Archi."
"Talaga?" Nagtaas siya ng kilay.
"Ayaw mo ba akong maging masaya?" kunot-noong tanong ko.
Bakit parang masama ang loob niya?
"Masaya ka ba?" ganting tanong niya.
That made me shut up. Masaya ba ako? Masaya ba ako ngayong araw na ito? Surely, I bought a lipstick. I spent my day with people who are fun to be with. Naranasan kong makapasok sa milk tea house, maglaro sa fun house at iba pa.
"Masaya."
"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pero sige, sabi mo naman masaya ka. Una na ako."
Walang kibong binitiwan niya ang braso ko at nagmamadaling sinuot ang helmet at pinaharurot ang motor niya. I watched him until he's out of reach.
I stood there with my heart clenching in pain and bothering my conscience.
Dala dala ko ang guilt sa sumunod na Lunes. Hindi ko alam kung anong isasalubong ko kay Archi. Good morning ba o sorry. Para saan naman iyong sorry? Sorry dahil hindi ko sinabi na lalabas ako? Required ba.. na sabihin ko sa kan'ya na lalabas ako kung.. magkaibigan lang naman kami?
Nadatnan ko siya sa taniman ng niyog papunta sa'min. Nang makita niya akong paparating ay lumiko at sumakay na sa motor. Hinihintay na lang ako na umangkas. Tahimik. Hindi na gaya ng dati na sasalubungin niya ako ng ngiti.
BINABASA MO ANG
Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)
Roman d'amourSunset Avenues #1 : Completed "I'll see you in Barcelona.." First love is meant to pave us the way for true ones. Samaria Justine Bautista grew up having a deep crush towards her childhood best friend, the Equestrian looking football player of thei...