Chapter 41
Mistress
Like a bottle of stirred up emotions, I wanted to curse him. Hindi pa sapat ang physical na sakit because what he did was even more painful. What he said was more than physical injuries.
Ganoon ba kababa ang tingin niya sa'kin? His insults dripped like acid. Higit akong hindi makapaniwala na ang mga salitang iyon ay manggagaling pa mismo sa kan'ya. Insults crushed the towers of my hopes.
Pinangunahan ako ng labis-labis na emosyon na kung hindi pa ako aalis doon ay baka mapasama pa ako. Come on, Sammy! He's with his date, Cathina Huerra! Sa pangalawang pagkakataon, you let him use you! Mas matindi pa kay Glaina!
Ano ang posisyon mo sa buhay niya? Isang kaibigan na babalikan lang dahil siya ay palaging nandiyan? The cliché childhood 'sweethearts turned to lovers' story, huh? Well, to burst your bubble Sammy, hindi kayo ganoon. Noon ba ay may nilinaw ba siya tungkol sa aming dalawa? Sapat na ba ang singsing na iyon kung may iba pa pala siyang pinagkakaabalahang buntis sa Manila?
Yes, we-we fucked! Iyon ang tamang termino sa nangyari sa pagitan naming dalawa. I don't regret having Hopie as he's the most wonderful blessing I have ever received. Ang pinagsisisihan ko na lang ngayon ay mabilis akong nagpadala sa gabing iyon!
"Samaria.."
He reached for my elbows again but I was crying hysterically that I punched and hurt him painfully.
"Bastard!"
Hindi ko namamalayan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. I have no control of my rage at that moment. Sana hindi ko na lang siya nakita. Sana nga hindi na lang ako pumayag pa kay Enrique. Sana nanatili na lang ako sa Madrid. Hindi sana ako nasasaktan.
Am I that low? What made you the woman I despise? Really?
He tried to chase me pero sa bilis ko sa pagtakbo at sa pagsuot-suot sa gitna ng mga tao ay nakatakas ako. Of all people, Archimedes Dylan! Ikaw pa ang magsasabi sa'kin ng ganiyan!
Mabuti at hindi pa ako naperwisyo sa daan. Walang habas sa pagtulo ang mga luha ko sa sasakyan. I couldn't drive properly but I managed to make it to the hotel.
I looked like a mess. Gusto ko nang umuwi para mayakap ko ang anak ko, para maibsan ang sakit na ipinaparamdam ng ama niya sa pangalawang pagkakataon. I cried all my grief and pain. Napahilamos ako sa mukha ko habang nakatanaw sa pang-gabing tanawin ng Barcelona.
What made you the man you are right now, Archi? Successful but insufferable.
Hindi pa rumerehistro sa isip ko ang lahat. Nangingibabaw ang isang emosyon, sakit. Ito ba ang kapalit ng sinasabi mong New York at Barcelona, Archi?
Sana bago mo sinabi iyon, sana naisip mo na sa'yo ako tumatakbo kapag umiiyak ako. Sana bago mo ako sinaktan sa salitang ginamit mo, inisip mo muna ang mga pinagdaanan ko. How come we hurt people and never got to reflect our own doings?
I cried a river in Barcelona. Ni hindi ko na magawang harapin si Enrique dahil natatakot ako sa maaari niyang gawin kapag nalaman niya ang nangyari.
Parang sirang plaka ang mga masasakit na salitang sinabi niya sa gabing iyon. It bothers me every night and I couldn't help but to question myself. Every word stings like a knife. I went back to Madrid like nothing happened.
"Mama, why are you crying? Is something wrong?"
Umiling ako bagama't nagbabadya pa rin ang luha sa mga mata. I thought I had cried enough in Barcelona. Nadala ko pala ang sama ng loob at pait pag-uwi. Lumapit siya sa akin at pinaloob ako sa maliit pang bisig niya. Hindi man niya ako naiintindihan pero nakikihati siya sa nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)
RomanceSunset Avenues #1 : Completed "I'll see you in Barcelona.." First love is meant to pave us the way for true ones. Samaria Justine Bautista grew up having a deep crush towards her childhood best friend, the Equestrian looking football player of thei...