Chapter 50

361 8 2
                                    

Chapter 50

Family


Finding our way back home can give us a moment to reminisce and realize upon ourselves how far we've gone after all our battles. We have suffered. We have learned. We stood up. And we have loved.

A significant place that led us to our dream destinations. The stepping stone of our journey to our dreams.Isang agilang nakalaya sa matagal na niyang pagkakakulong. Isang bangkang naglagi sa karagatan at bumalik sa kan'yang padadaungan.

Ngayon ako nakakasigurong hindi natin pwedeng iasa sa panahon ang paglimot. It's not always the case although for some, time helps them to heal and forget.

Kung ang mga bagay na iniwan natin dito ay naglagay ng marka sa kaibuturan ng ating puso, paano natin magagawang lumimot?

Natabunan ang mga nagdaang alaala ng bagong karanasan. We met several people along the way and we learnt from them. We got to know ourselves more and lastly, we grew. Even if growth as individuals means faraway from our comfort zone and parting ways. But home is with the one we love with all our heart and peace amidst pain and miseries.

Our footsteps may lead us to Barcelona and New York. But this place made young love grow.

Dinama ko ang hangin. Hinawakang mahigpit ni Archi ang kamay ko. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang nadadaanan namin ang tabing-baybayin. Ngunit sa kan'yang haplos ay kumalma.

Ilocos.

"Mama, shall we go to that beach and try fishing?"

"Sure!" sagot ko. "Did you know that we grew up near coastal shores?"

"And how was it? Have you tried fishing too, Mama?"

"Yes. Your Lolo Fred was a fisherman and he owned a boat back then."

We chose to travel by land. Kung maaari ay si Elliot na sana ang magpapalipad ng helicopter para mas mapadali ang pagdating namin sa Norte. Kaya lang desisyon naming dalawa na dumaan ng Santa Maria.

I wanna spend a day in my hometown at kung maaari ay higit pa sana. But I must take into consideration Archi.

"Hindi na siya ang namamahala rito," aniya nang matanawan namin ang arko ng aming bayan.

Napuna ko rin iyon pero pinili kong huwag bigyang pansin dahil alam ko kung ano ang epekto n'on sa kan'ya. Tama nga ako dahil nang sulyapan ko siya'y nag-iigting na ang kan'yang bagang.

Santa Maria.. Mapait akong napangiti. Ayokong isipin na isang hindi magandang marka ang idinala ng pag-uwi namin dito. I still want to remember this place as our beautiful beginning.

"Archi," tawag ko ng pansin.

He looked at me. Sandaling nagbago ang ekspresyon sa mga mata niya.

I made a small smile. "I love you," I whispered sincerely.

"Hindi siguro katumbas ng pagmamahal ko," saad niya.

"That's something you cannot be sure about."

"I'm sure of it, sweetheart. "

Nilingon niya si Hopie na namamangha sa mga nadadaanan ng sasakyan.

"Ayan ang resulta.."

Sunod na dumapo ang mata niya sa tiyan ko. Dumaan doon ang kislap ng pinaghalong saya.

"Mahal kita, Samaria.."

As much as I love you.

The coconut trees of our town..ganoon pa rin nang umalis ako. Nangiti ako habang tinatanaw ko iyon sa bintana. Mas lalo pa akong napapikit nang masamyo ko na ang dagat. At sa muling pagmulat, tumatama ang mga alon sa mabatong dalampasigan.

Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon