Chapter 16
Bracelet
"Ginagawa niyong laruan ang tuta," saway sa amin ni Mama.
"Curious lang ako, eh. Ayaw ipahawak ni Sammy, Ma."
"Archi, akin na! Tuta ko iyan, eh!"
Humalakhak siya. Aba, bati na agad kayo Sammy? Ang bilis. Tatakbo ka pa riyan, tapos kapag hinabol, bounce back na parang walang nangyari.
Itinaas niya ang tuta. Mistulang isang laruan na pinag-aagawan namin. Pumasok na lang sa loob si Hemi dahil napagtanto siguro niyang wala siyang space para sa tuta.
"Inaangkin mo na ang sa'kin eh!" I whined.
"Oh, pakarga ka kay mama mo, Arc," he laughed. Natulala ako nang ipasa niya sa'kin ang tuta.
"Anong pangalan niya?" tanong ni Mama.
"Arc po, Auntie," sagot ni Archi. Kumindat siya sa'kin na siyang paglalim ng kunot-noo ko.
"Arc? Iyong para bang arko ganoon?"
"Iyon nga po. Arcsam Bautista Figueroa ang buo niyang pangalan."
"Ay! Bininyagan niyo na?"
Naglakad ako papunta sa likod ng bahay at naghanap ng maaari niyang tirhan.
"Pupunta ako rito bukas." Naghahanap ako nang bigla na lang sumunod si Archi.
"Huh? Bakit?"
"Tatayuan na'tin siya ng bahay," desididong sambit niya.
"Hm? Talaga? Mabubuhay kaya siya? Sana naman. Ang cute-cute pa naman niya."
Arc is so adorable. Siya na tuloy ang bunso ng pamilya. Miski si Papa ay kinakausap ang tuta pag-uuwi niya ng bahay galing sa pangingisda. Hindi na rin ako sinusungitan ni Hemi dahil ayon sa kan'ya ako ang mama ni Arc.
"Hoy parang malaki naman yata iyan para sa tuta?"
"Eh lalaki din naman si Arc, ah? Mas mabuti na iyong pinaghandaan talaga ang future!"
"Anong future? Pati tuta, may future?"
"Oo naman! Alam mo kung anong future niya?"
"Ano?" kunot-noong tanong ko.
He tried to suppress a smile. Pero sa huli humagalpak siya sa sarili niyang biro. "Future dog!"
Hinampas ko siya sa balikat. Muling nagbabalik ang dating samahan, hm? Minus the feelings.
We spent our weekends and after classes with Arc. My family loved the puppy also. Si Archi ay kung anong binibili para sa aso. Darating na lang siya sa bahay, gigisingin at kakatukin ako, may dalang dog food at meryenda.
Mistulang may picnic tuloy kapag pinapasyal namin ang tuta sa dalampasigan. Archi will pamper his future children for sure. I just noticed how he cared for a puppy.
Paano na lang kung nagkapamilya siya?
Kasama namin si Arc sa tuwing may practice siya sa field. Tipong pinagtitinginan na siya ng mga teammates niya kung bakit may tutang dala tapos ngingiti lang at sasabihing 'Archi's junior'. Eh di hagalpak sila sa tawa.
Mas close pa nga si Arc sa kan'ya kaysa sa'kin. Nakakahalata na nga ako eh.
"Ipahiram mo naman sa'kin hoy!"
"Eh kung ayaw?"
"Paanong ayaw? Eh hindi mo na nga binibitiwan!"
I couldn't believe our arguments. Kailangang balance ang time ni Arc kay Archi at time namin ni Arc. Mas maraming oras ang napupunta sa'kin kaya madaling araw pa lang bago kami pumuntang school, nasa bahay na si Archi at nilalaro ang tuta. Siya na nga ang alarm namin.
BINABASA MO ANG
Flashed Golden Photographs (Sunset Avenues #1)
Любовные романыSunset Avenues #1 : Completed "I'll see you in Barcelona.." First love is meant to pave us the way for true ones. Samaria Justine Bautista grew up having a deep crush towards her childhood best friend, the Equestrian looking football player of thei...