PROLOGUE

368 9 0
                                    

Hindi pa po nae-edit ang istoryang ito. Kaya humihingi po ako ng paumanhin kung may mali-maling paggamit ng gramatiko kayong mababasa sa kabuoan ng kwento.

P.R.O.L.O.G.U.E

Pasakay na ng kanyang sasakyan si Seve habang abala ito sa pakikipag-usap sa kabilang tao na nasa kanyang telepono. Nabuksan narin niya ang driver's seat door ngunit hindi parin niya nagawang pumasok dahil sa kausap nya sa telepono na tila pinapainit ang kanyang ulo.

"What the f*ck was that investors?! They don't know how to stand for their words! Puro lang salita wala namang gawa!" Pagmumura pa niya sa kausap niya na nasa kabilang linya habang nakatayo parin sa gilid ng kanyang sasakyan habang nakapatong ang kanyang isang braso sa ibabaw ng kanyang sasakyan.

"What should we do now boss? Nag-back off na ang iba? I'm afraid na baka hindi matuloy ang project na ito." Puno ng pangambang tugon naman ng kausap niya na nasa kabilang linya.

Napahinga nalang ng malalim si Seve at napakamot sa batok niya. "Let me handle this, I know I can manage." At matapos niyang sabihin yon ay binaba nya na ang telepono niya at tsaka napahampas nalang sa kanyang sasakyan. Nang bumuti na ang kaninang mainit nyang ulo ay tsaka pa sya pumasok sa loob ng kotse nya at tsaka agad nyang pinaandar ang makina at pinatakbo agad ito. Ngunit, bago paman siya tuloyang nakalayo sa mismong parking lot sa building na pagmamay-ari nya mismo ay may kumuha agad ng atensyon niya mula sa kaliwang banda. Binagalan pa niya ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan at palihim na sumilip sa gawing iyon. Nakakatiyak naman siyang hindi sya nito mahahalata dahil sarado naman ang bintana ng kanyang sasakyan at dahil sa sobrang kapal nito ay mula sa labas, hindi talaga nito makikita ang kung ano ang nasa loob. Ngunit laking gulat nalang din niya ng makita nya ang isang naka-bonnet na lalaki na may kausap sa telepono. Ibababa nya sana ang window subalit hindi nya iyon nagawa dahil napalingon sa gawi nya yong lalaki kung kaya naman ay pinatakbo nya nalang palayo ang kanyang sasakyan.

Nasa kalagitnaan na siya ng byahe subalit hindi nya parin maalis ang kanyang sarili sa pag-iisip kung sino iyong lalaking iyon at kung bakit sya nandon? Napaisip rin siya kung sino ang kausap nito sa kanyang telepono na talagang nagdulot sa kanya ng kakaibang kaba.

Nabalik nalang sa reyalidad si Seve ng makita niya ang stoplight sa gilid ng kalsada na kulay green na kung kaya naman ay kaagad niyang inapakan ang preno ng kanyang sasakyan para patigilin ito, subalit nabalot nalang muli siya ng kaba dahil napagtanto niyang wala ng preno ang kanyang sasakyan.

"Oh sh*t!" Napamura nalang siya habang muling nagsi-sink in sa utak niya ang lalaking naka-bonnet na may kausap sa telepono. At doon nalang din niya napagtantong plinano nga ng kung sino ang lahat ng ito.

Mula sa pagkawala ng iilan sa kanyang mga investors, hanggang sa pagtanggal ng preno ng kanyang sasakyan ay nakakatiyak siya na iisang tao lang ang may pakana ng lahat. At kung sino man iyon, ay hindi nya alam. Pero nakakatiyak siya na may malaking inggit ang taong iyon sa kanya.

BBBAAANNNGGG!

TOOOOOOOOOOOOOOTTT!

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon