Biglang nanlaki ang mga mata ni Mrs. Walton ng marinig niya ang mga katagang iyon mula kay Nayomi. Dahil din dun, hindi kaagad niya nasagot ang paunang tanong nito sa kanya. Para kasing nagugulohan pa sya kung maniniwala ba sya o hindi sa mga pinagsasabi nito dahil sa dalawang taon na pagkakaparalisa ng kanyang anak ay kailanmay wala pang kung sino man ang nakarinig dito na nagsasalita ito habang tulog.
Samantala, natapos na ang phone call ni Mr. Walton kaya naman ay kaagad siya lumapit sa kinaroroonan ng kanyang asawa at sa bagong caregiver ng anak nya.
"What's going on here?" Puno ng pagtataka at pambungad nya pang tanong sa mga ito dahil sa katahimikang pumapagitna sa dalawa.
Dahil dun, muling napabalik sa reyalidad ang dalawa. "Umm n~nothing honey. May tinatanong lang saakin si Nayomi." Kaagad namang tugon ni Mrs. Walton sa asawa nya.
"Ahh di bale napo yon ma'am. Mauna napo ako dahil baka nakaabala ako sa inyo." Ani Nayomi na nagpapaalam nalang bigla sa mag-asawa. Pagkatapos nun ay tuloyan na nga niya itong iniwan roon at bumaba muna para tumulong sa mga gawaing bahay doon. Naisip nya kasi na sa laki ng sahod nya na P50 000.00 a month bilang caregiver lang ay sobrang laki na. Though alam naman niyang hindi rin talaga madali ang mga ginagawa nya pero pakiramdam niya ay unfair iyon sa iba kaya tutulong nalang sya.
Kaya rin hindi na nagpilit si Nayomi sa sagot na gusto nyang makuha mula kay Mrs. Walton noong tanongin niya ito ay dahil napansin niyang hindi ito komportableng magkuwento kaya minabuti nya nalang ang ipasawalang bahala nalang muna ang katanongan niya.
Nang makababa ay dumeretso kaagad siya sa kusina kung saan naabotan nya si Manang Estela na nagluluto. Habang yong iba namang mga katulong ay naghuhugas ng pinggan, nagpupunas ng mga nahugasan ar nag-aarrange ng mga ito sa lalagyan nito. Nakita niya na lahat talaga tulong-tulong.
Nang pumasok sya doon ay kaagad namang napalingon sa gawi niya si Manang Estela na mukhang may malakas na pandama at nadama kaagad ang presensya nya.
"O, bakit ka nandito? May kailangan kaba?" Pambungad pang tanong sa kanya ng matanda. "Yong afternoon snacks pala ni sir Seve ay niluluto ko pa, at kung yon ang sadya mo rito ay sasabihin ko na sayong hindi pa iyon nakahanda. Ako nalang ang maghahatid nun doon." Dagdag pa nito.
"Ahh hindi po ako nandito para sun Manang. Nandito po ako dahil gusto ko sanang tumulong." Ani Nayomi na ngayon ay nakatayo lang sa gilid ng mahabang glass table na napapalibotan ng mga upuan.
"Alam mo kasi hija, rule sa bahay na ito na kung ano ang trabahong binigay sayo ng amo ay yon lang ang gagawin mo. Kaya kung ako sayo, bumalik kana dun sa taas at baka kailangan kana dun ng alaga mo." Pagpapaliwanag ni Manang Estela sa kanya.
"Eh tulog naman po sya Manang." Argumento pa nito.
"Kahit na, magigising rin yon maya-maya." Dahil dun ay wala nalang nagawa si Nayomi kundi ang sundin ang sinabi nito. Naisip nya kasi bigla na kapag nagpumilit pa sya ay baka masisante lang sya sa trabaho nya at ayaw naman niyang mangyari iyon.
Bagsak balikat na bumalik si Nayomi sa silid ng amo/alaga nya, pero kaagad naman siyang naalarma ng makitang wala sa ibabaw ng kama nito ang binata. Ang tanging nakikita nya lang sa ibabaw ng kama nito ay ang notepad nito katabi ang isang iPad. Dahil dun ay biglang nabalot ng kaba ang puso niya habang ang utak naman ay parang mababaliw na sa kakaisip kung nasaan ito. Pero sa halip ng mag-panic ay pinakalma nalang muna niya ang kanyang sarili at huminga ng malalim. Pagkatapos nun ay mabilis siyang naglakad papunta sa kama nito para sana tignan kung may iniwan ba itong sulat sa notepad nito pero noong makalapit na sya roon ay mas lalong umigting ang kaba niya ng makitang wala namang kahit anong nakasulat doon. Tatakbo na sana sya palabas ng silid para humingi ng tulong ngunit napatigil siya ng makita niyang nakabukas lang ang iPad nito. Laking gulat niya ng makita niya sa screen ang isang babae at isang lalaki. Kaagad niyang dinampot ang iPad para klarohin kung sino ang dalawang tao na iyon na mukhang napaka-sweet sa larawan at para din mabasa ng maayos kung ano ang caption na nakalagay sa ibaba ng picture. At laking gulat nya nalang ng mabasa ang mga katagang:
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Caregiver-Notepad
RomansaIsa lamang caregiver si Nayomi Tuazon sa isang multi billionaire bachelor na nagngangalang Severiano 'Seve' Walton na na-paralyze ng dahil sa isang malagim na aksidente. Nang dahil din sa aksidenteng iyon ay hindi na ito muling nakapagsalita pa dahi...