CHAPTER 22

141 11 2
                                    

Nasa veranda lang sina Seve at Nayomi ngayon para magpahangin. Nagrereklamo na kasi si Seve kasi daw hindi na sya nakakalanghap ng sariwang hangin at hindi narin naaarawan kung kaya naman ay dinala nalang sya ni Nayomi doon.

"Bakit ka nga pala umalis?" Biglaan at napakaseryosong tanong ni Seve kay Nayomi. Nakaupo lang si Seve sa wheelchair nya habang si Nayomi naman ay nakasandal sa rillings paharap sa kanya. Matibay naman yong rillings at medyo mataas kaya naman hindi nangangamba si Nayomi na mahulog.

Napahinga muna ng malalim si Nayomi bago tuloyang sumagot. "Family problem sir." Matipid at playing safe niyang sagot.

"Like what?" Usisa pa ni Seve.

Napaiwas nalang ng tingin si Nayomi at napatingin sa kawalan habang nag-iisip. Hindi kasi sya sigurado kung mag-oopen up ba sya dito o hindi. Baka kasi hindi nito maintindihan ang kalagayan nya kasi mayaman ito. Pero sa bandang huli, napagpasyahan parin ni Nayomi na magsalita.

"Pinapaaral ko kasi yong kuya ko para kapag nakatapos na sya, ako naman ang pag-aaralin nya." Ani Nayomi habang hindi man lang tumitingin sa kausap nya.

"And what's the problem behind that statement?" Usisa na naman nitong sagot.

Napabuntong hininga nalang si Nayomi sabay lingon kay Seve. "Nakabuntis sya." Matipid niyang sagot na bahagyang nagpagulat kay Seve kung kaya't bahagyang napaawang ang bibig nito.

"Oh, sorry to hear that." Anito kaya naman napayuko nalang siya.

"Nakakadismaya lang. Dahil dun hindi na ako makakapag-aral." Nakayukong saad niya na nahihimigan ng pagtatampo.

"Who said so?" Dahil sa tanong ni Seve na iyon ay kaagad namang nag-angat si Nayomi ng kanyang tingin at deretsong napatitig sa mga mata nito.

"Kahit naman ho walang magsabi, alam kona na yon ang mangyayari."

"Really? What if I tell you na pag-aaralin kita once I recover?" Nanlaki ang mga mata ni Nayomi ng marinig nya iyon mula kay Seve. Hindi kasi nya inaasahan na sasabihin iyon ng binata. Dahil din dun, bigla siyang nabuhayan ng pag-asa na may paraan pa pala para makapagtapos sya.

"Seryoso? Papag-aralin nyo po ako?" Hindi pa niya makapaniwalang tanong. Napatango naman si Seve habang may ngiti sa labi at hindi na nagsalita pa. Habang si Nayomi naman ay nagmistulang bata na napapatalon, napapasigaw sa tuwa. "Waaaahhh! Ang saya kooo." Pasogaw pa niyang sabi habang tumatalon at nagpaikot-ikot sa sobrang tuwa. Napatigil lang sya sa ginagawa nya at napabalik sa reyalidad ng marinig niyang magsalita ang amo nya.

"Hey, be careful. You might fall." Pag-awat pa nitong sa ginagawa nya kung kaya naman ay napatigil sya at pinakalma ang sarili.

"Thank you sir. Thank you talaga." Nakangiti niyang saad sabay yakap kay Seve ng mahigpit. "Akala ko wala na talagang chance para makapagtapos ako. Buti nalang nandyan kayo." Dagdag pa niya.

"Wag ka munang mag-thank you, wala pang nangyayari. Besides, nakikita ko naman how determine you are to pursue studying and I just wanted to help. At least man lang may nagawa ako." Tugon naman ni Seve na ngayon ay gumanti narin ng yakap kay Nayomi.

Ilang saglit palang ay napabitaw narin sila sa isa't isa at bahagya pang nagkatitigan.

"So in that way, you have to train me again for my fast recovery. Para sa second sem, makapag-enroll kana." Seryoso nitong wika na mas lalong nagpakabog ng dibdib niya. Hindi kasi inisip ni Nayomi na ganun din ito kadeterminadong pag-aralin sya. Akala nya kasi na baka sa next year pa sya magpapaenroll para makapag-aral.

"Hmm actually sir, natutuwa po ako na sa wakas makakabalik na ulit ako sa pag-aaral. Kaya lang, wag naman po sana nating madaliin ang paggaling nyo. Ayoko lang na ma-pressure kayo pati narin yang katawan ninyo. Kung hindi man kayo gagaling totally ngayon taon, may next year pa naman. Besides, nandyan lang naman palagi yang paaralan at hindi naman po yan tatakbo palayo."

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon