"What the hell on earth are you doing here?!" Galit at madiin nitong tanong kay Bianca na ngayon ay nagmistulang estatuwa.
"T~tita-" bago paman nito naipagpatuloy ang sasabihin nya ay inunahan na sya ni Mrs. Walton.
"Don't you ever call me tita, hindi kita kaano-ano!" Madiin at galit parin nitong sambit. Kaya naman, napayuko nalang si Bianca. Kaagad namang binaling ni Mrs. Walton ang kanyang atensyon kay Nayomi at sa pagkain nitong hindi pa niya nauubos. "Nayomi, masamang pinaghihintay ang pagkain. Finish your food first." Mahinang sermon ni Mrs. Walton sa kanya.
Napatingin pa sya sa gawi ni Bianca na ngayon ay nakataas ang isang kilay habang nakatingin din sa kanya.
"Nakakawala lang ho kasi ng gana madam. May masamang hangin kasing napadpad." May pang-iinsulto pa niyang tugon habang tinaasan rin ng kilay si Bianca.
Kaagad namang napalingon si Mrs. Walton sa gawi nito kaya mabilis itong napayuko para magpanggap na mabait.
"Impostora talaga." Pabulong pang sambit ni Nayomi."What are you still doing there? Don't you feel the atmosphere that no one likes you here? That you are not invited to this house anymore? And no longer welcomed in this place? Gusto mo pa bang isampal ko yon sa pagmumukha mo?" Kalmado ngunit napakaseryosong saad ni Mrs. Walton habang deretsong nakatingin kay Bianca na hanggang ngayon ay nakayuko parin at walang imik. "OUT!" Pasigaw pang sambit nito sabay turo sa may pintuan. Wala naman nang iba pang nagawa si Bianca kundi ang lisanin ang lugar. Besides, wala narin naman syang kakampi kaya wala na syang dahilan para manatili doon.
Samantala, nang makaalis na si Bianca sa silid, kaagad namang napansin ni Nayomi ang marahang paggalaw ng kamay ni Seve kaya mabilis syang napalingon sa binata. Nang makalingon na sya sa gawi nito at nakapikit pa ang mga mata nito pero ilang saglit palang ay idinilat nya rin naman iyon at kaagad na napatingin sa gawi ni Nayomi.
"Oh god! I'm really sorry son if I wake you up." Mabilis namang paghingi ng tawad ni Mrs. Walton kay Seve ng makita niyang gising na pala ito. Pero si Seve ay deretso paring nakatitig kay Nayomi habang si Nayomi naman ay deretso ring nakatitig sa kanya.
Inabot nalang ni Nayomi ang kamay ni Seve at pinisil-pisil ito. Mukha kasing nagising ito dahil sa pagsigaw ni Mrs. Walton kanina at halata ring naalimpongatan lang ito.
"Sir, tulog napo kayo ulit. Wala lang naman yon eh." Sabi nalang niya habang pinipisil-pisil parin ang kamay ng binata.
===
"Ano pa bang kailangan mong balikan dun that makes you come back there kanina?! Nasisiraan kana ba?" Galit na wika ni Lucas kay Bianca ng sabihin nya sa kanyang fiance and tungkol sa ginawa nya kanina.
Ngayon kasi ay nasa opisina na sya ng binata at kasalukoyang nakaupo sa visitor's chair sa harap ng desk nito.
"Wala lang. I just want to see him again. Besides, gusto ko naring magpaalam sa kanya ng tuloyan. So please, wag kanang magselos, okay?" Tugon naman ni Bianca.
Napabuntong hininga nalang si Lucas at napasandal sa upuan nya. "Para saan pa? To give him a reason para sirain tayo ganun ba?" Iritado parin nitong tanong.
Kaagad namang napatayo si Bianca mula sa kinauupoan nya at tsaka naglakad papunta sa likoran ni Lucas at tsaka niyakap ito bilang paglalambing. "Baby, he couldn't do that, kasi hindi parin naman sya nakakatayo at nakakalakad eh. He's still paralyze. So please, don't be jealous na." Paglalambing pa niya dito at pagkatapos ay hinalikan pa niya ang pisngi nito.
"Mabuti naman kung ganun. I don't want someone will ruin our upcoming wedding to be."
===

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Caregiver-Notepad
عاطفيةIsa lamang caregiver si Nayomi Tuazon sa isang multi billionaire bachelor na nagngangalang Severiano 'Seve' Walton na na-paralyze ng dahil sa isang malagim na aksidente. Nang dahil din sa aksidenteng iyon ay hindi na ito muling nakapagsalita pa dahi...