'I want to feel the aie outside.'
Nabasa nalang ni Nayomi matapos iyong isulat ni Seve matapos niya itong painomin ng gamot.
"H~huh? Eh papa'no ko po kayo mailalabas?" Puno ng pagtatakang tanong ni Nayomi.
Muli ay nagsulat na naman si Seve para sagotin nito ang mga katanongan ng dalaga.
'Don't you know the thing we called wheelchair?'
Sarkastiko pa nitong tugon. Kaagad namang napalingon-lingon si Nayomi sa paligid para maghanap ng wheelchair kung meron nga ba at hindi naman siya nabigo dahil nakita naman niya kaagad iyon sa may sulok. Kaagad namang napatayo si Nayomi at tsaka kaagad na pinuntahan ang kinaroeoonan ng wheelchair para kunin iyon. At dahil may sugat sya sa paa na medyo masakit pa ay medyo natagalan siya sa paglapit doon dahil hanggang ngayon ay paika-ika parin sya sa paglalakad.
Nang makabalik siya sa bandang kama ay dala-dala na niya ang wheelchair. Ngunit sa halip na magsalita ng kung ano-ano ay napatingin naman kaagad siya sa notepad ng binata nang makita niyang may panibago na naman itong isinulat doon.
'It seems like you also need a wheelchair, huh?'
Kaagad namang napatingin si Nayomi sa wheelchair na dala-dala nya ngayon at pagkatapos ay napayuko pa sya sa kanyang paa na may plaster. Pagkatapos ay tsaka pa niya ibinalik ang kanyang tingin sa binata.
"Ahh hindi naman sir. Actually, mas kailangan nyo pa po 'to kaysa sa'kin. Kaya ko pa naman pong maglakad eh." Pabiro na may pagkasarkastiko pang sabi ni Nayomi.
Nagulat naman siya ng padabog nitong bitawan ang notepad at tsaka nag-iwas ng tingin sa kanya na para bang galit na naman ito. Dahil dun, bigla namang nakaramdam ng pagkataranta si Nayomi dahil ramdam din niyang nagsisimula na namang magalit ang amo niyang suplado. Mabilis niya itong nilapitan at marahang hinawakan sa baba at inuharap sa kanya.
"Uy sir, joke lang yon. Sorry kung na-offend kayo." Nakanguso pa niyang paghingi ng tawad na halata namang nagpapa-cute lang. Ngunit sa halip na kaawaan sya nito ay padabog pa nitong inalis ang kamay ni Nayomi mula sa pagkakahawak niya sa baba nito sabay iwas muli ng tingin sa dalaga. Dahil dun, napakamot nalang sa ulo si Nayomi habang nag-iisip kung ano na ang sunod nyang gagawin dahil mukhang wala na syang pag-asang makausap ito ng matino. Ngunit mabuti nalang ay may naisip siya kaagad na sa tingin niya ay mabisang paraan para mawala ang galit nito. At umaasa naman siyang gagana nga iyon: ang pag-iba ng paksa.
"Umm sir, tatawag lang po ako ng ibang tao sa labas ah? Para may tumulong saaking magbuhat sa inyo paupo dito sa wheelchair na ito." Pagpapaalam pa niya at pagkatapos nun ay kaagad na syang lumabas mula doon para magtawag nga ng ibang taong makakatulong sa kanyang magbuhat sa binata para ilipat ito sa wheelchair.
Nang makalabas siya ng silid ay laking pasasalamat naman niya dahil namataan niya kaagad si Kuya Ronald na sya ring nagliligo kay Seve kapag oras na ng ligo nito.

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Caregiver-Notepad
RomanceIsa lamang caregiver si Nayomi Tuazon sa isang multi billionaire bachelor na nagngangalang Severiano 'Seve' Walton na na-paralyze ng dahil sa isang malagim na aksidente. Nang dahil din sa aksidenteng iyon ay hindi na ito muling nakapagsalita pa dahi...