CHAPTER 4

64 6 0
                                    

Kahit masakit parin ang sugat nya sa kanang paa at kahit na sinabihan pa sya ni Mrs. Walton na magpahinga na muna ay hindi parin iyon ginawa ni Nayomi. Kahit paikaika man siya sa paglalakad ay kaya pa naman niyang gampanan ng maayos ang trabaho nya kaya priority nya parin ito.

Muling nagtungo si Nayomi sa harap ng pintuan sa silid ng kanyang amo. Nakatayo lang sya doon habang inaayos ang sarili nya para magmukha paring presentable sa harap nito. At bago paman niya binuksan ang nakasarang pinto na iyon ay napahinga muna sya ng malalim para mawala ang kaba at pangamba niya na baka pagpasok niya ay magwala na naman ito.

Binuksan na ni Nayomi ang pinto at bumungad nga sa kanya ang binatang dahilan ng pagkakasugat nya na nakahiga parin sa ibabaw ng kama nito. Pagbukas palang nya ng pinto ay mukhang natunugan na sya nito kung kaya ay kaagad itong napalingon sa kanya. Nginitian pa nya ito pero wala man lang syang nakitang kahit anong ekspresyon nito sa mukha. Basta plane lang syang tinitigan nito.

"Hi sir? Kamusta napo kayo?" Nakangiti nya pang bungad dito na para bang wala lang nangyari. Matapos nyang sabihin iyon ay paikaika pa siyang naglakad papasok sa silid at tsaka isinara ang pinto. Paikaika rin syang naglakad palapit sa kama nito hanggang makarating sya doon at tsaka umupo sa gilid nito.

Nang makaupo na sya, kaagad namang napansin ni Nayomi ang pagturo ni Seve sa side table kung saan nakapatong ang note kaya naman ay kaagad iyong inabot ni Nayomi at nilagay malapit sa kamay nito. Nakita naman niya na kaagad itong nagsulat doon at hinintay nya nalang matapos ito at tsaka iyon binasa.

'You know what I don't like the most? That is clingy people. And also, pinakaayaw ko rin yong pinipilit ako sa isang bagay na hindi ko naman gusto.'

Yon ang nabasa nya sa notepad nito. Napahinga nalang siya ng malalim ng makaramdam siya ng pagkadismaya dahil akala niya ay hihingi ito ng tawad dahil sa ginawa nito pero hindi pala, sa halip ay pinapangaralan pa sya nito. Pero sa halip din na ipakita nya sa binata ang pagkakadismaya niya ay mas pinili nalang ni Nayomi na kumalma at habaan ang pasensya at pag-uunawa nya sa boss nya.

"Pasensya napo kayo sit ah kung nakukulitan na kayo saakin? Kaya ko lang naman po ginagawa yon ay dahil akala ko na sa ganoong paraan, makukuha ko agad ang atensyon nyo. Gusto ko lang naman pong mapalapit kayo saakin eh, para hindi na tayo mahirapan sa isa't isa. Ako sa trabaho ko at ikaw sa recovery mo. Pero di bale sir, promise po simula ngayon, babawasbawasan ko napo ang pagiging makulit ko." Ani Nayomi na umaasa na sa ganoong paraan ay makuha na niya ang loob ng binata.

Muli ay nakita na naman niya itong nagsusulat pero makalipas lang ang ilang segundo ay natapos narin ito kung kaya't kaagad namang binasa ni Nayomi iyon.

'Good, I hope that it'll not be just a word but a sort of action as well.'

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon