CHAPTER 24

127 5 2
                                    

5:00 na ng hapon at naghahanda na ang pamilya Walton para sa celebration na magaganap mamayang gabi at hanggang ngayon ay wala paring kaalam-alam ang mag-asawang Walton tungkol sa kalagayan ng kanilang anak. Ang balak kasi ni Seve ay gulatin ang mga magulang nya. At kung papaano nya gagawin yon? Sya lang ang nakakaalam.

Nakasoot ng pang businessman's attire si Seve- black coat with a necktie and white polo long sleeves na nakapailalim ng black coat. Habang sa lower portion naman ay nakasoot din sya ng black pants and black shoes na bumagay sa soot nya.

Samantalang si Nayomi naman ay nakasoot ng dark blue off shoulder dress na below the knee ang haba. Nakasoot din sya ng 5 inches high heels na bumagay naman sa damit nya. Habang nakalugay lang ang itim at mahaba niyang buhok na kinulot pa tapos yong mukha naman nya ay light make up lang ang nilagay.

Bahagya naman silang nagkatitigan ni Seve ng pareho na nilang natapos ang pag-aayos sa sarili. Oo, sila lang mismo ang nag-ayos sa sarili nila sa loob ng silid ni Seve dahil hindi na sila nag-abala pang kumuha ng mga taong mag-aayos sa kanila. Gusto kasi nila na sa oras na ipatawag na sila para umalis ay nais nilang surprisahin ang mga tao sa labas na masasalubong nila. Oo, sa ganoong paraan gusto ni Seve na ipaalam sa lahat na magaling na sya at sa ganoong paraan nya rin gustong isurprisa ang mommy at daddy nya.

"You look so beautiful. Simple but elegant." Nakangiti pang pagpuri ni Seve kay Nayomi matapos niya itong pagmasdan mula ulo hanggang paa.

"Thank you sir." Nakangiti at medyo nahihiya pang tugon ni Nayomi na napatingin din sa soot nyang damit. "You too. You look so handsome at bagay na bagay po sa inyo ang soot nyo." Pagpuri naman ni Nayomi kay Seve habang hindi parin nawawala ang kanyang mga ngiti sa labi.

Sabay pa silang humakbang papalapit sa isa't isa pero bago paman sila tuloyang nakalapit ay napahinto sila bigla ng may biglang kumatok sa pintuan. Kaya naman ay pareho silang napalingon sa gawing iyon.

"Nayomi, labas na kayo dyan. Naghihintay na sila madam sa baba." Narinig nilang pagtawag ni Manang mula sa lsbas na hindi man lang nag-abalang buksan ang pinto.

"Opo, manang, susunod napo kami." Tugon naman ni Nayomi at pagkatapos nun ay wala na nga silang narinig pa mula sa labas. Bahagya pa ulit silang nagkatitigan pero sa pagkakataong ito ay panandalian lang.

"Let's go?" Pag-aaya pa ni Seve na kaagad namang tinangoan ni Nayomi. Pero bago paman sila tuloyang nakalabas ng silid ay laking gulat naman ni Nayomi ng biglang eoffer ni Seve ang braso nito sa kanya pero kaagad nya nalang din pinulupot ang braso nya sa braso ng binata at tsaka nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makalabas na nga sila ng silid na iyon.

Nang makalabas na sila ng silid ni Seve ay dumeretso na sila sa may elevator at kaagad na sumakay doon pababa. Nang makarating na sa ground floor ang elevator ay kaagad naman itong bumukas at sa pagbukas nun ay nakita naman nila na walang ibang tao sa labas bukod kina Mr & Mrs Walton na nag-uusap habang hinihintay ang pagdating nila pero hindi naman ito nakatingin sa gawi nila dalawa. Kaya naman, lumabas nalang sila ng tahimik at tsaka naglakad papalapit sa kinaroroonan ng mag-asawa.

"You know that I'm really against this. Pagmay nangyari masama sa anak ko, hindi talaga kita patatawarin." Narinig pa nilang wika ni Mrs. Walton na pinagbabantaan ang asawa niya gamit ang madidiin nitong tuno ng pananalita.

"It seems like you're both talking to me. Would you dare to tell me about it?" Bigla nalang sabat ni Seve na ikinagulat ni Nayomi pati narin ng mga magulang nito.

Dahil sa biglaang pagsabat nya, dahan-dahan namang napalingon ang mag-asawa sa gawi nila at nakita nalang din nila kung papaano nanlaki sa gulat ang mga mata ng mga ito sa nakita nila.

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon