Pagkapasok at pagkapasok palang nina Mrs. Walton at Manang Estela sa silid ni Seve ay laking gulat nalang nila ng makita nilang nasa sahig na ito habang nagwawala. Kaagad naman nila itong nilapitan ngunit bago pa man tuloyang nakalapit si Mrs. Walton sa anak nya ay nabaling naman ang attention nya sa kama nito na kung saan nakapatong ang notepad nito na may mga nakasulat.
Mabilis naman iyong dinampot ni Mrs. Walton at kaagad niyang binasa ang nakasulat doon.
'I know there's something wrong kaya wala sya dito.'
'I wanted to see her!'
'Bring her back!'
'Bring her back right now!'
Habang binabasa niya iyon ay ramdam na ramdam na agad niya na galit ito. Si Seve kasi yong tao na matagal ma-attach sa isang bagay pero once attached na sya sa bagay na yon, nahihirapan na syang pakawalan yon kagaya nalang ng sitwasyon na meron sya kay Nayomi. Pero once din na nasanay na syang wala ang bagay na iyon, kahit bumalik pa iyon sa kanya, hindi nya na talaga iyon kakailanganin pa, kagaya nalang ng sakanila ni Biamca.
"Sir, sir tama napo. Maawa naman kayo sa sarili nyo." Pagmamakaawa pa ni Manang Estela kay Seve. Nang marinig din niya iyon ay doon nalang din sya napabalik sa reyalidad kung kaya naman ay mabilis nya itong nilapitan.
"Seve, Seve, son look at me." Pagtawag pa niya sa anak sabay hawak niya sa baba nito. Natahimik naman si Seve dahil dun at napalingon sa kanyang ina. Nang magkaharap na silang dalawa, doon palang napagtanto ni Sharon na umiiyak na pala ito at dahil dun, parang biglang kumirot ang puso nya. "Seve, you have to fix yourself, okay? Fix yourself." Payo pa niya dito.
Mukhang hindi naman natuwa si Seve sa sinabi nya kaya napaiwas na naman ito ng tingin sa kanya at nagsisimula na namang magwala.
"Seve, makinig ka sa'kin." Pasigaw na sabi ni Sharon sa anak para makinig ito sa kanya ulit. Sumisigaw din kasi ito kaya kinakailangan nya ring sumigaw para agawin ang attention nito. "Ibabalik ko sya dito, and that's a promise. But first, you have to fix yourself. Hindi matutuwa si Nayomi kapag naabotan ka nyang ganyan." Payo pa niya sa anak na nagpakalma dito pero patuloy parin ito sa pag-iyak. Dahil dun ay napaiyak narin sya sa sobrang awa na nararamdaman nya para sa kanyang anak.
Nakita nya kasi kung gaano ito kamesirable matapos ang aksidente. At nakita nya din kung paano ito unti-unting nakabangon sa tulong ni Nayomi. Ang hindi lang niya kayang makita sa ngayon ay ang muli na naman nitong pagiging mesirable kasi nasa mabuti na sya eh. Ayaw nya na kasi itong bumalik na naman sa dati.
"Estela, tawagin mo si Ronald, ibalik mo si Seve sa higaan nya pupuntahan ko lang si Nayomi." Ani Sharon na nakapaseryoso ng tuno sabay punas ng mga luha nya.
"Opo madam." Matipid pa nitong tugon sabay tayo.
===
"Alam ko galit ka parin sa'kin at hindi naman kita masisisi kung bakit ganyan ang nararamdaman mo sa'kin ngayon. Pero sana Yomi balang araw mapatawad mo'ko. Sorry, sorry talaga kung na-disappoint kita." Nasa loob sila ngayon ng silid ni Nayomi habang ang kuya nya ay humihingi ng tawad sa kanya. Hindi nya ito pinansin at nagtaklob nalang sya ng kumot.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Caregiver-Notepad
RomanceIsa lamang caregiver si Nayomi Tuazon sa isang multi billionaire bachelor na nagngangalang Severiano 'Seve' Walton na na-paralyze ng dahil sa isang malagim na aksidente. Nang dahil din sa aksidenteng iyon ay hindi na ito muling nakapagsalita pa dahi...