CHAPTER 15

146 12 6
                                    

'Do you really believe that I will be back to my normal life, huh?'

Kahit nakasulat lang iyon sa notepad ng binata, alam ni Nayomi'ng nagsisimula na itong mawalan kaagad ng pag-asa, lalo na't sa unang araw ng training nila, wala namang magandang nangyari.

"Oo sir, at naniniwala ako dun. Kaya sana maniwala rin kayo sa sarili nyong makakaya nyo." Tugon ni Nayomi para mas lalo pang palakasin ang loob nito.

Napaiwas naman sa kanya ng tingin si Seve at napayuko nalang ito. Bakas rin sa ekspresyon ng mukha nito na wala itong gana at matamlay pa. Kaya naman, kaagad na nag-isip si Nayomi ng mapapaglibangan nila para iiwas ito sa pagmomokmok at pag-iisip ng kung anu-anong mga bagay na ikasasama pa nito lalo.

"Sir, kumakain ka ba ng cookies?" Pagbubukas pa niya ng panibagong paksa. Napatingin naman ulit si Seve sa gawi nya at napatango. "Kung ganun, igagawa kita." Dagdag pa niya.

Kaagad namang binalingan ni Seve ng atensyon ang notepad nya at kaagad na nagsulat doon.

'So you know how to bake cookies?'

"Oo naman. Kahit igawa pa kita ng marami." Pagmamayabang pa nya.

'For what?'

Napatigil naman sya saglit ng mabasa niya iyon at bahagyang napaisip. "Ummm p~para sa'tin. Nagugutom po kasi ako at nagce-crave ako ng cookies. Eh hindi naman ako basta-basta nalang makakagawa ng Cookies kung hindi rin lang para sa inyo." Pagdadahilan pa nya. Napangiti naman ito dahil sa sinabi nya at napatango nalang.

===

Ngayon ay nasa baking area na sila. Magkahiwalay kasi ang dirty kitchen, proper kitchen na kung saan kumakain ang lahat at ang baking area. At sa baking room, sila lang dalawa.

Nakaupo lang si Seve sa wheelchair nya sa harap ng isang lamesa habang pinapanood si Nayomi na naghahanda ng mga ingredients sa gagawin nyang cookies. At syempre, dahil maypagka madaldal din itong babaeng ito, naggagawa pa niyang magkwento sa amo nya habang naghahanda ng kanyang mga gagamitin sa pagluluto.

"Alam mo ba sir, nakakapag-bake lang ako ng cookies sa bahay kapag may okasyon. Pero hindi rin naman tuwing okasyon nangyayari iyon. Syempre minsan nauubosan rin ng budget kaya walang pambili ng ingredients." Pagsasalaysay pa niya habang hinahalo na sa babasaging pinggan ang mga dry ingredients. Tapos sa kabilang bowl naman ang mga wet. "Kaya lang ngayon, parang nakakapagpanibago lang kasi first time ko pang mag-bake sa ibang bahay." Pagpapatuloy pa niya habang hinahalo naman niya ngayon ang dry at wet ingredients sa iisang lalagyan. "Tapos nakakapagpanibago rin dahil sa tuwing nagbe-bake ako, palagi kong katuwang ang nanay ko tapos yong kuya ko naman ay manggugulo, mang-aasar hanggang sa mapikon ako at sabihin sa kanya na hindi ko sya bibigyan kapag hindi sya tumigil. Nakakatuwa nga eh kasi yon lang talaga ang tanging paraan para mapatigil ko sya. Ayaw nya rin namang hindi makakain ng cookies na gawa ko dahil talaga namang matakaw yon kumain, kaya nga medyo mataba yon." Nakangiti lang si Nayomi habang isinasalaysay niya ang mga bagay na iyon kay Seve. Hindi naman niyang magawang tignan ito dahil abala pa sya sa pamimix ng mga ingredients kaya hindi niya alam ngayon kung ano ang nagiging reaksyon nito habang nagkukwento sya.

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon