CHAPTER 27

112 5 0
                                    

Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang daan patungo sa workplace ni Seve. Sa nakikita kasi ni Nayomi ay mukhang mainit parin ang ulo nito kaya hindi nya nalang sinubokang kausapin dahil baka sermon lang ang abotin nya dito.

Habang nasa loob ng sasakyan, bigla nalang napapaisip si Nayomi ng mga bagay-bagay. Kung bakit nalang biglang nagkaganun si Seve? Kung bakit parang higit pa sa isang PA ang turing nito sa kanya? Kung totoo ba amg binulong ni Drake sa kanya kanina na nagseselos ito? Kung nagseselos man ito, bakit naman nito mararamdaman yon eh wala namang sila in the very first place? At dahil sa pag-iisip niya ng mga kung anu-ano ay mas lalo sya biglang nagulohan.

"We talk about it right?" Pambasag sa katahimikan nitong tanong na bahagyang ikinagulat nya. "Study first, pero ano yong nakita ko? Would you mind to explain me about that?" Pagpapatuloy pa nito.

Napahinga nalang sya ng malalim bago sumagot. "Eh mali naman kasi kayo ng iniisip sir."

Nang marinig ni Seve ang mga katagang iyon mula kay Nayomi ay bigla nalang sya napapreno ng kanyang sasakyan dahilan ng muntikang pagkauntog ni Nayomi pero mabuti nalang ay naagapan nya agad ito.

"The f*ck!" Pagmumura pa niya sabay hampas sa drive wheel ng sasakyan. "Bakit hindi ka kasi nagse-seatbelt?!" Galit na galit nya pang bulyaw sa dalaga. Pero ilang saglit palang ay sya narin mismo ang nagkabit ng seatbelt para dito at pagkatapos ay napasandal nalang sya sa upuan nya kasabay ang pagbuntong hininga.

Habang si Nayomi naman ay hindi parin maalis sa dibdib nya ang kaba dahil sa nangyari. Napayuko nalang din sya dahil hindi naman nya kayang tignan ang amo lalo pa't mainit parin ang ulo nito.

"S~sorry s~sir." Utal-utal nalang niyang sambit habang nakayuko. Kahit na nakayuko, nakita nya parin ang paglingon ni Seve sa gawi nya at sa pagkakataong ito ay kalmadong mukha na nito ang nakita nya.

"Sorry din." Anito na bahagya nyang ipinagtaka kung kaya naman ay napalingon nalang sya sa gawi nito.

"Hay nako sir, kalimotan nalang nga natin yon. Madidisgrasya pa tayo dahil dun eh." Tugon nya nalang para pagaanin ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. At pagkatapos nun ay muli na ngang pinatakbo ni Seve ang sasakyan.

===

"Ma'am, kumain napo kayo. Ilang araw na kayong hindi kumakain eh." Pamimilit na saad ng isang katulang kay Bianca na ikinulong ng daddy nya sa sarili nyang kwarto para hindi na nga niya mapuntahan pa si Seve at para matuloy narin ang nalalapit nilang kasal ni Lucas.

"Ayoko nga sabi eh! Bobo ka ba?!" Pasigaw at galit na galit pa niyang tugon doon sa katulong sabay tabig sa tray na dala-dala nito kaya naman tumilapon sa sahig ang mga pagkain at nabasag din ang mga babasaging pinggan na nandoon. "Get out!" Bulyaw pa niya dito.

Ilang saglit lang, bigla namang pumasok sa loob ang daddy nya nang marinig nito ang pagsigaw nya at ang pagbasag ng mga pinggan sa sahig.

"Iwan mo muna kami." Mautoridad pang utos ng daddy ni Bianca doon sa katulong. Mabilis namang sinunod ng katulong ang utos nito at lumabas na nga ito kaagad kaya naman, naiwan sa loob ng silid ang mag-ama.

"What are you doing here?! Did I invited you to come in?" Walang paggalang pang tanong ni Bianca sa daddy nya na may pagdidiin ang tuno. Hindi naman kaagad ito sumagot, bagkos, naglakad lang ito habang naka-cross arms papalapit sa kanya.

"I didn't thought that you'll ruin your life like this. Why now Bianca? Kasi magaling na sya? If you really love him, bakit hindi mo sya ipinaglaban noon? Why did you choose to leave instead than to fight for your love with him?" Seryoso nitong tanong sa kanya na ngayon ay nakatayo lang sa harap nya habang sya naman ay nakaupo lang sa kama. "Ahh actually, I knew the answer, why. Kasi duwag ka! You are afraid to face the big responsibility na alagaan sya dahil sa kalagayan nya. Ngayon tatanongin kita, mahal mo ba talaga sya bilang sya o mahal mo lang sya kapag malakas sya?" Pagpapatuloy pa nito.

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon