CHAPTER 17
Ilang beses nilang inulit pagpraktisan ang pagbangon ni Seve ng mag-isa hanggang sa masanay na ito. Isa pa, form of exercise din naman iyon dahil sa pamamagitan nun, para ka naring nagsi-sit up. Kaya lang, syempre noong una ay bahagya pang nahihilo si Seve hanggang sa tuloyan na nga syang nasanay. Ngayon nga ay kaya na nyang umupo kahit walang nasasandalan at kaya narin nitong balansehin ang katawan nya ng mag-isa. Kaya lang, nagagawa palang nya yon ng nakaupo. Hindi parin kasi kaya nitong tumayo dahil hindi pa nito kayang buhatin ang buo nitong katawan. Syempre naninibago dahil sa nakalipas na dalawang taon, ngayon nya lang ulit ito nagawa.
"Ayannn may improvements na." Naeexcite pang sabi ni Nayomi na nakaupo rin sa harap nito. "Tanaw nyo na ba sir? Tanaw nyo na ba ang nalalapit nyong paggaling?" Dagdag pa niya. Napangiti naman si Seve sa mga sinabi nya at maging ito ay halata ring excited na sa paggaling nya.
Kaagad namang hinanap ni Seve ang notepad nya at ng mapasakamay nya na ito ay mabilis naman itong nagsulat doon.
'So what are we gonna do next?'
Nanlaki naman ang mga mata ni Nayomi ng mabasa iyon. "Huh! Agad-agad? Hindi ba pwedeng magpahinga muna?" Pagrereklamo pa niya kahit hindi naman talaga sya napagod. Ang inaalala nya lang kasi ay ang kalagayan ni Seve. Baka kasi sa eagerness nitong gumaling agad ay baka masagad niya sa pagod ang katawan nya at iyon ang iniiwasang mangyari ni Nayomi. Baka kasi sa halip na gumaling ito ay baka mas lalo lang itong makasama sa binata.
"Sir, alam ko pong excited na kayo sa paggaling nyo pero hindi ibig sabihin nun ay eto-tolerate ko na kayo sa lahat ng gusto nyo. Hmp, ganito lang ako pero strict po itong coach nyo." Aniya habang napapacross arms pa at nagpakita ng fierce look sa kanyang amo.
Napailing-iling nalang si Seve at hindi nalang nakipagtalo pa. Alam din kasi niyang matatalo lang sya kaya hinayaan nya nalang ito.
===
Makalipas ang halos dalawangpung minutong pagpapahinga ay muli na naman silang bumalik sa ginagawa nila kanina. Pero sa pagkakataong ito ay minamasahe nalang muna ni Nayomi ang mga daliri ni Seve sa paa. Hindi rin nya muna pinilit itong galawin dahil baka masaktan na naman si Seve, isa sa mga bagay na kinakatakotan nyang mangyari.
"Sir, sabihin nyo po kaagad ah kung may masakit." Paalala pa ni Nayomi habang minamasahe nya ang paa nito. Napatango lang naman si Seve at hindi na nagbigay ng kahit na anong reaksyon pagkatapos nun.
Napatigil nalang si Nayomi sa ginagawa nya ng ipabasa ni Seve ang nakasulat sa notepad nya.
'Why is it so hard for me to move my feet?'
"Sir, don't pressure yourself para lang sa bagay nayan. Gagalaw din yan, magtiwala kalang." Tugon nalang ni Nayomi para pagaanin ang loob nito. Syempre, he need someone who will encouge him para mas lalo itong ganahang ipagpatuloy ang ginagawa nila. Nang sa ganung paraan ay matulongan din nito ang kanyang sariling gumaling.
Narinig nalang ni Nayomi ang pagbuntong hininga ni Seve pero hindi nya nalang ito pinagtuonan ng pansin dahil ibinaling nya nalang ang kanyang buong atensyon sa pagmamasahe sa paa nito.
===
"So how was it going?" Pambungad na tanong sa kanila ni Mr. Walton ng makasalubong nila ito habang tinatahak nila ang daan papuntang kusina. Kasama rin ni Mr. Walton ang asawa nya ng makasalubong nila ito.
"May improvements naman po sa awa ng diyos. Nakakabangon napo syang mag-isa at nakakaupo ng walang sinasandalan dahil nababalanse nya napo ang katawan nya. Kaya lang, tungkol naman po sa lower body nya, hindi nya parin po ito magalaw hanggang ngayon." Pagsasalaysay pa ni Nayomi.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Caregiver-Notepad
RomansaIsa lamang caregiver si Nayomi Tuazon sa isang multi billionaire bachelor na nagngangalang Severiano 'Seve' Walton na na-paralyze ng dahil sa isang malagim na aksidente. Nang dahil din sa aksidenteng iyon ay hindi na ito muling nakapagsalita pa dahi...