CHAPTER 19

129 8 1
                                    

Gabi na at nagkakagulo ngayon sa bahay nina Nayomi nang umuwi ang kuya nya ng may kasamang babae at umamin pa itong nabuntis nya ang babaeng iyon. Dahil dun, galit na galit na ngayon ang mga magulang nila ngunit si Nayomi ay wala pang alam sa mga nangyayari.

"Ano ka ba naman Nash? Kung kailan kapa ga-graduate tsaka mo pa naisipang magluko?! Hindi mo man lang iniisip ang kapatid mo na nagdakanda-kuba na sa trabaho para lang may pambayad sa tuition mo tapos ito ang igaganti mo sa kanya?! Naturingan ka pa man ding matalino pero bakit ngayon ang bobo mo?!" Galit na galit na sermon ng Nanay niya sa kanya na ngayon ay nakatayo mismo sa harapan nila habang si Nash naman at si Loisa ay magkatabing nakaupo sa isang sofa. Si Loisa nga pala ang kasintahan ni Nash ng mahigit dalawang taon na ngayon ay nabuntis niya.

Nakayuko lang sila pareho habang umiiyak. Hindi narin sila sumagot pa dahil hindi naman nila alam kung ano ang kanilang sasabihin.

"Nangako ka Nash, Nangako ka sa kapatid mo na magtatapos ka para pag-aralin sya. Ano nang mangyayari nyan ngayon?" Sermon din sa kanila ng tatay nya na nakatayo lang sa may pintuan habang deretsong nakatingin sa kanila ni Loisa. Hindi naman ito ganun kagalit kagaya ng Nanay nya pero nararamdaman parin ni Nash ang pagkadismaya nito.

"S~sorry po." Tanging mga katagang nasambit niya habang nakayuko sabay punas ng mga luha niya.

"Tss, sorry, bakit hindi mo yan sabihin sa harap ng kapatid mo?! Sa kanya ka magsprry dahil kung hindi dahil sa kanya, wala ka sa unibersidad na pinapasokan mo ngayon!" Tugon naman ng nanay nya na hanggang ngayon ay hindi parin humuhupa ang init ng ulo.

Ilang saglit lang ay napansin nalang ni Nash ang paglakad palayo ng Nanay nya habang sinasabi ang mga katagang: "bahala kana sa buhay mo. Matanda kana." Sambit nito habang naglalakad patungong kusina. Dahil dun ay ramdam naman niya ang pagkadismaya nito sa kanya at ang hinanakit nito dahil sa katangahang ginawa nya. Bukod pa dun, nagsisimula narin siyang mamroblema dahil ang totoo, hindi niya alam kung papaano sasabihin sa kapatid ang mga nangyari. Higit sa lahat, wala rin siyang mukhang ihaharap dito dahil sa kahihiyang ginawa nya.

===

"Tulog napo kayo. Alam kong napagod kayo ngayong araw pero wag po kayong mag-alala sir, bukas, hindi napo ganun kahirap ang gagawin natin." Ani Nayomi habang nakaupo sa gilid ng kama ni Seve at deretsong nakatingin sa binata. Habang si Seve naman ay nakahiga na doon at deretso ding nakatingin sa kanya.

Ilang minuto pa silang nagkatitigan na bahagya namang ipinagtaka ni Nayomi. Naninibago lang kasi sya sa amo nya ngayon dahil tila kakaiba ang kinikilos nito, maging ang pagtitig nito sa kanya iba. Dahil din dun, muli na namang naramdaman ni Nayomi ang mabilis na pagtibok ng puso nya. Kaya naman ay napahawak nalang sya bigla doon. Bahagya namang nagtaka si Seve sa ginawa nya at tila ba may pag-aalala ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Kung kaya naman, mabilis nalang nyang binitawan ang pagkakahawak nya sa dibdib niya at nginitian nalang nya ito para pawiin ang pag-aalala nito.

"Okay lang po ako." Depensa niya kung sakaling batohin sya nito ng tanong. Matapos niyang sabihin iyon ay nakita nya naman kaagad na umaliwalas ang mukha nito na tila ba nakahinga rin ito ng maluwag.

"Good night sir!" Nakangiti pa niyang bati dito na sya rin namang ikinangiti ni Seve sabay tango. At pagkatapos nun ay ipinikit na nga nito ang kanyang mga mata.

Nang tuloyan nang makatulog si Seve ay nakaramdam narin ng antok si Nayomi kung kaya naman ay bumaba narin sya papunta sa kwarto nya. Pagkarating nya naman doon ay bumungad agad sa kanya ang pagtunog ang phone nya na nakapatong lang sa drawer.

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon