"Ito ang tray na naglalaman ng agahan ni sir Seve. (Sabay abot sa kanya ng tray). Ikaw nalang ang bahalang magpakain ng mga ito sa kanya." Wika ni manang Estela ng makasalubong niya si Nayomi na papunta sana ng kusina para nga kumuha ng agahan ng amo nyang nakaratay lang sa kama.
Kaagad namang inabot ni Nayomi ang tray at nginitian pa nito ang matanda. "Salamat po. Ako napong bahala dito." Tugon ni Nayomi na kaagad namang tinangoan ni manang Estela. Pagkatapos nun ay tsaka pa humayo si Nayomi paakyat sa kwarto ni Seve.
Nang makarating na sya sa kwarto nito, naabotan nya itong nakahiga parin sa kama habang nakatulala lang sa kawalan. Mabilis nya naman itong nilapitan pero bago paman niya ito inistorbo, nilapag nya muna ang tray na dala nya sa side table ng kama nito at pagkatapos ay naupo na sya sa gilid ng kama nito na syang dahilan upang mapalingon ito sa kanya.
Ngumiti pa sya sa amo nya pero tinignan lang sya nito ng walang kaemo-emosyon kaya naman biglang nawala ang ngiti nya sa labi.
Binalingan nya nalang ng pansin ang mga pagkain sa tray at tsaka isa-isang nilabas iyon para ipakain kay Seve. Inihipan pa nya ito bago tuloyang isinubo sa binata para masiguradong hindi ito mapaso sa mainit na kanin na sinabawan ng ginataang baboy.
"Kain na po." Sabi pa nya sabay lapit ng kutsara sa bibig ng binata pero tinignan lang nito iyon na para bang wala itong ganang kainin iyon. Iniwas pa nga nito ang kanyang bibig at tumingin nalang sa ibang direksyon.
Napahinga nalang ng malalim si Nayomi habang nag-iisip ng panibagong strategy kung papaano niya mapapakain ang amo. Lumipat pa siya ng upo sa kabilang bahagi ng kama kung saan nakaharap ang ulo nito para lang mapakain ito. Muli pa niyang sinubokang isubo sa binata yong kutsarang naglalaman ng pagkain ngunit muli na naman itong umiwas doon at lumingon na naman sa kabilang banda para lang makaiwas sa pagkaing paparating sa kanya.
"Sir, kailangan nyo pong kumain para makainom napo kayo ng gamot at para tuloyan na kayong gumaling." Mahinahon pang pakiusap ni Nayomi na halatang nagtitimpi lang dahil maging siya ay nag-uumpisa naring mawalan ng pasensya.
Muli ay lumipat na naman si Nayomi sa kabilang banda kung saan sya nakaupo kanina dahil doon nga ito nakaharap ngayon. Pagkaupo at pagkaupo nya palang doon ay nakita nya ng umiwas na naman ng tingin ang binata sa kanya at muli na namang tumingin sa kabilang banda. Habang si Nayomi naman ay humugot nalang ng isang malalim na buntong hininga at napatingin nalang sa kung saan para lang kontrolin ang sarili nyang wag magalit.
Hindi rin kasi tamang magalit sya dito dahil alam niyang hindi iyon makakabuti sa amo nya, na sa halip na gumaling ito ay baka mas lumala pa at ayaw niyang mangyari iyon dahil baka mawalan kaagad sya ng trabaho.
Napatingin nalang si Nayomi sa side table na kung saan nakita nya ang notepad at isang ballpen na inabot sa kanya kanina ni Mrs. Walton. Kaagad nya namang kinuha iyon at tsaka inilapag malapit sa kamay ng binata at sumagi pa iyon sa kamay nito kung kaya naman ay mabilis itong napatingin sa gawing iyon.
"Isulat nyo nalang po dito kung ano ang kailangan nyo. Hindi po kasi tayo magkakaintindihan kung ganito lang tayo." Ani Nayomi.
Noong una ay nagkatitigan lang sila ng binata at mukhang wala rin itong balak sumulat doon, pero di nagtagal, nagulat nalang si Nayomi ng makita nyang dahan-dahan na nitong inabot yong ballpen at tsaka dahan-dahan ding nagsulat. Makalipas ang ilang sigundo ay natapos rin ito at kaagad pa nitong binitawan ang ballpen sabay iwas na naman ng kanyang tingin kay Nayomi habang si Nayomi naman ay kaagad na binasa yong sinulat ng binata sa notepad nito.
'Get out of my room! I don't need you here!'
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Caregiver-Notepad
RomanceIsa lamang caregiver si Nayomi Tuazon sa isang multi billionaire bachelor na nagngangalang Severiano 'Seve' Walton na na-paralyze ng dahil sa isang malagim na aksidente. Nang dahil din sa aksidenteng iyon ay hindi na ito muling nakapagsalita pa dahi...