CHAPTER 23

104 7 0
                                    

Tila kay bilis ng paglipas ng panahon dahil isang buwan narin ang nakalipas magmula nung nakakalakad na si Seve pero kagaya ng napag-usapan nila ni Nayomi, silang dalawa palang ang nakakaalam.

Ngayong araw na mismo ang kaarawan ni Mrs. Walton at ngayong araw din mismo esusurprisa ni Seve ang mommy nya patungkol sa full recovery nya.

Nasa silid lang sila ni Nayomi ngayon habang nagbabalot ng gifts at naghahanda ng pangsurprisa. Mamayang gabi pa nila iyon ibibigay kasi mamayang gabi, may gaganaping birthday party para kay Mrs. Walton na kung saan, may mga mayayaman at kilalang tao ang mga dadalo.

"Sir, uuwi muna ako saamin mamaya ah? Tutal wala rin naman akong gagawin dito." Pagpapaalam pa ni Nayomi habang tinutulongan nya si Seve sa pagbabalot ng napakalaking gift na ibibigay nito sa kanyang ina.

Kaagad namang napatingin si Seve sa kanya at mukhang nagulat ito sa sinabi nya. "What are you talking about na wala kang gagawin? You'll be joining the party too. At isa pa, dalawa tayong magsusurprise kay mommy." Tugon naman ni Seve na bahagya pang napatigil sa ginagawa nya para lang kausapin sya.

"Huh? Eh wala naman akong isusuot. At isa pa, hindi ako sanay sa mga ganyan."

"Don't worry, I got your back. Hindi mo pa sinasabi alam ko nang sasabihin mo yan." Pagkatapos sabihin iyon ni Seve ay bumalik na sya sa dating ginagawa nya at tsaka hindi na nagsalita pa.

===

Sa isang hotel gaganapin ang birthday party mamayang gabi at hindi alam ni Seve at Nayomi na may binabalak din pala si Mr. Walton na ipupubliko na nito ang pagbabalik ng anak sa kanilang kompanya kahit na ang alam lang nito ay hindi pa fully recovered ang anak. Kabilang kasi iyon sa napag-usapan nila ng detective at ngayon na nga nila isasagawa ang plano.

"Kinakabahan ako sa binabalak nyo. Pa'no kung mapahamak na naman sya?" Pagtutol ni Sharon sa plano ng detective at ng kanyang asawa. Hindi kasi niya maiwasang mangamba lalo na't patagong sumasalakay ang kalaban nila.

"It won't happen and I make sure of it. You just have to trust me and the team to do this." Kalmado at seryosong tugon ni Vanju para pakalmahin ang asawa nya.

Napahinga nalang sya ng malalim at hindi na nakipagtato pa. Alam kasi nyang wala din naman syang mapapala pa.

===

"What? Pupunta tayo sa birthday celebration ni Sharon? Are you kidding me? Seriously?" Sunod-sunod na tanong ni Bette sa asawa nyang si Jonas nang banggitin nito sa kanya na dadalo nga sila sa birthday celebration ng mortal na kalaban nila sa mundo ng industriya.

Naging kalaban lang naman nila ang mga Walton ng dahil sa isang pagtatalo na hanggang ngayon ay hindi parin nila napapag-usapan at naaayos. At mukhang sa dalawang grupo, parang wala naman sa kanila ang gustong makipag-ayos.

"Why not? Bakit sabihin ng iba takot tayo sa kanila, na guilty tayo. Of course we have to delete that kind of mindset na maiisip nila. And if showing up to that big event is the only key, then we will." Tugon naman ni Jonas sa asawa nya at pagkatapos ay pasimple pa itong uminom ng tsaa sa cup na hawak nya.

"Huh, so are we really going to down our pride for them ganun ba ang gusto mo?" Galit na tanong ni Bette na hindi sang-ayon sa kagustohan ng asawa nya.

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon