CHAPTER 11

62 7 0
                                    

"Wait." Sambit nito na nagpatigil sa kanya. Nilingon nya ito para malaman kung ano pa nga ba ang sasabihin nito sa kanya. "Bakit mo pala naisipang ilabas si Seve dito despite of the truth na alam mo namang hindi sya pwedeng lumabas?" Usisa pa nitong tanong.

"Kasi po mukhang bagot na bagot na sya dito sa loob. Siguro naiisip nya ngayon na para syang nakakulong kahit hindi naman. Hindi po ba maganda na ilabas naman po natin sya saglit kahit isang beses lang sa isang buwan? Baka po kasi mas ganahan syang mabuhay kapag nakita nyang may malaking mundo pa palang naghihintay sa kanya sa labas." Ani Nayomi habang nakatayo lang sa lugar na hinintoan nya kanina.

Napahinga naman ng malalim si Mrs. Walton at bahagyang napaisip. "O sige, pero hindi sya pwedeng lumabas ng village." Saad nito na nagbigay buhay sa matamlay na aura ni Nayomi. "There's a park malapit lang dito. I suggest na doon nalang kayo pumunta. At isama nyo nalang din si Ronald para kahit papaano ay may magbabantay din sa inyo. Mahirap na baka magkaproblema pa." Pagpapatuloy pa nito.

"Talaga po ma'am?" Hindi pa niya makapaniwalang tanong habang abot tainga ang ngiti. "Nako ma'am thank you talaga. Wag po kayong mag-alala, sisiguradohin ko pong walang mangyayaring masama." Dagdag pa niya. Tinangoan lang sya ni Mrs. Walton at tsaka pa sya umalis doon.

Pagkalabas at pagkalabas nya palang sa opisina ng babaeng amo ay patakbo niyang inakyat ang hagdanan kaya naman ay mabilis niyang narating ang silid ni Seve. Pero bago paman siya pumasok doon ay inayos nya muna ang sarili nya at pinakalma.

Pagkabukas at pagkabukas nya palang ng pinto ay bumungad na kaagad sa kanya ang malungkot na mukha ng binata na ngayon ay nakaupo lang sa wheelchair nito habang deretsong nakatingin sa isang direksyon.

Dahan-dahan namang pumasok si Nayomi at marahan din niyang isinara ang pinto para lang hindi niya maantala ang binata.

Tahimik nya itong nilapitan at marahang tinapik sa balikat kaya naman ay kaagad itong napalingon sa kanya.

"Mukhang malungkot na naman kayo ah? Ano na naman ba ang iniisip nyo?" Seryosong tanong ni Nayomi sa binata. Nakita niya naman na hindi pala nito hawak ang notepad kaya naman ay mabilis iyong kinuha ni Nayomi sa ibabaw ng higaan nito at tsaka inabot kay Seve. At yon na nga, nagsulat naman kaagad ito doon.

'So, how was it?'

Sa halip na sabihin ni Nayomi ang totoo ay pinagtripan nya muna ito. Just to see his reaction kung magagalit ba o hindi.

Napakamot-kamot pa sa ulo si Nayomi habang nababahiran naman ng lungkot ang kanyang mukha. Napayuko pa siya para lang maramdaman ng amo nya na may masama siyang balita. "Umm kasi sir-" pero bago paman niya nasimulan ang panloloko ay inunahan na sya nito ng may isinulat ito sa notepad nya.

'I knew it. Hindi muna kailangan pang sabihin.'

Muntik ng natawa si Nayomi sa nabasa niya pero pinipigilan nya lang ito. Baka kasi mabuking pa sya.

"Teka lang sir, ayaw nyo ba akong pakinggan? Magpapaliwanag pa ako." Sabi pa niya ng makita niyang papaandarin na sana ni Seve ang wheelchair.

'You don't have to explain.'

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon