CHAPTER 3

65 6 0
                                    

Kakarating lang ni Nayomi sa mansyon habang dala-dala nya ang kanyang mga bagahi. Sinalubong naman kaagad sya ng iilan sa mga kasambahay at tinulongan pa syang magbuhat ng mga ito.

"Si sir Seve po ba gising na?" Tanong naman kaagad ni Nayomi kay manang Estela ng makasalubong nya rin ito.

"Oo, kanina pa. Maaga kasi syang nagising ngqyon eh." Tugon ni manang sa kanya.

Kaagad namang ipinasok ni Nayomi ang mga gamit nya sa loob ng silid nya sa mansyong iyon at pagkatapos ay dali-dali na syang nagtungo sa kwarto ni Seve para pagsilbihan ito. Hindi pa naman oras ng agahan kaya may panahon pa syang kausap-usapin ito para naman kahit papaano ay lumapit ng kaunti ang loob nito sa kanya.

"Good morning sir!" Masigla at nakangiti pa niyang bati na pumukaw kaagad sa atensyon ng binata kung kaya ay napatingin kaagad ito sa gawi nya.

Mabilis namang pumasok si Nayomi at isinara ay pinto at tsaka naglakad papunta sa kama ng binata at umupo sa gilid nun.

"Aba, mukhang maganda ang gising natin ngayon ahh?" Sabi pa nya sabay abot ng notepad na nasa side table at nilapag nya iyon sa kama malapit sa kamay ng binata.

Laking gulat naman niya ng makita niyang kaagad na dinampot ni Seve ang ballpen at tsaka ito nagsulat doon. Matapos itong magsulat ay kaagad naman iyong binasa ni Nayomi.

'Yes, I woke up with a good mode not until you came.'

Napangiti nalang si Nayomi kagaya ng palagi nyang ginagawa sa tuwing sinusulatan sya nito ng mga masasama.

"Alam nyo sir, obvious naman talaga na ayaw nyo sa'kin. Pero hindi nyo po ba naisip? Everyday akong nandito at nag-aalaga sa'yo tapos everyday mo rin akong makikita susungitan, so everyday din kayong magkaka-wrinkles ng madami. Oh, nakakapangit po yon sir." Pagdadaldal pa niya.

Likas naman talagang madaldal itong si Nayomi kaya lang, nakokontrol nya naman ito minsan.

Nakita na naman niya na muli na namang nagsulat si Seve.

'What do you think of me? A child na mauuto mo sa mga walang kwenta mong kwento?'

"Kwento? Hindi yon kwento sir, fact yon at magkaiba yon, okay?"

'Shut up stupid!'

At dahil nga isinulat nya, gagawin naman ni Nayomi. Bigla syang nanahimik habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa binata.

Pinagbigyan lang naman niya ito dahil baka sa ganoong paraan ay makuha nya ang loob nito.

Ilang saglit palang, napansin nya na naman itong nagsusulat.

'What are you doing?'

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon