TWO YEARS LATER FROM THAT ACCIDENT
Kailangan talaga ng pera ni Nayomi para sa pag-aaral ng kanyang nakakatandang kapatid na lalaki na si Nash. Graduating na kasi ito at hindi ito maaaring tumigil dahil kapag naka-graduate na ito, sya naman ang papag-aralin ng kuya niya, kung kaya naman ay naghanap na siya ng trabahong mapapasokan.
Marami naring siyang napag-apply-an ngunit ni-isa, wala pa syang nakukuhang feedback kung tanggap na ba sya o hindi pa. Kaya naman, bagsak balikat siyang naglakad palabas ng isang subdivision na huli niyang pinag-apply-an. Isang katulong kasi ang trabahong naisip niyang pasokan pero sa lahat ng kanyang pinuntahan ay sinabihan lang sya ng mga ito ng: 'tatawagan ka nalang namin kung pasado ka sa mga kwalipikasyon sa isang katulong na hinahanap namin'. Wow! Wow lang talaga at may ganun pa.
Habang naglalakad si Nayomi, napahinto nalang siya bigla ng may nakita siyang nakapaskit sa harap ng isang malaking gate sa harap ng isang napakalaking bahay na sa tingin niya ay iyon na nga yata ang pinakamalaking bahay na nakita niya sa subdivision na iyon.
"Hiring caregiver?" Pagbasa pa niya sa nakapaskil doon. Dahil dun ay napatingala pa siya sa kulay asul na kalangitan sabay taas ng kanyang dalawang kamay at parang baliw na nagpaikot-ikot doon. "Aaaahhhh! Thank you Lord! Talagang napakabait mo talaga....wohoo!" Pasigaw pa niyang sabi habang may malaking ngiti sa labi.
Napabalik nalang din siya sa matinong pag-iisip ng bigla nalang may nagsalita sa harap nya. Kaya naman ay kaagad syang napatingin doon.
"Mag-aapply kaba dito ining?" Tanong pa sa kanya ng isang matandang security guard na mukhang kakalabas lang sa gate ng bahay na iyon.Kaagad namang inayos ni Nayomi ang sarili niya at abot taingang nginitian si manong guard. "Ahh opo manong." Matipid niyang tugon.
Kaagad naman syang pinapasok ng guard at sinamahan pa sya nito papasok sa malapalasyong bahay na iyon. Sa loob ng bahay, may sumalubong naman kaagad sa kanilang isang katulong na sa tingin niya ay iyon yata ang mayordoma ng bahay.
"Ahh Estela, mag-aapply daw syang caregiver dito. Pakialalayan nalang sya papunta sa opisina ni Madame ah kasi kailangan ko ng bumalik doon." Ani manong guard sa kasambahay na sumalubong sa kanila na Estela pala ang pangalan.
Si Estela ay ang mayordoma nga ng bahay na iyon ay nasa sinkwenta na ang edad niya ngunit mukhang masigla pa naman ito at kaya pa namang magtrabaho.
"Sumunod ka saakin." At nauna na nga itong maglakad papunta sa isang direksyon sa napakalawak na bahay na iyon.
Habang nakasunod lang si Nayomi ay hindi nya naman mapigilang mamangha sa lahat ng kanyang nakikita. Mula sa mga picture frames na nakasabit sa dingding na may nakaukit na iba't ibang mga tanawin, hanggang sa mga chandeliers na mukhang mamahalin at sa mga babasagin nitong mga kagamitan na mukhang nanggaling pa sa iba't ibang lugar sa labas ng Pilipinas.
Matapos ang medyo may kahabaang paglalakad ay sa wakas huminto narin sila sa harap ng isang pintuan. Kumatok naman kaagad doon si manang Estela at pagkatapos ay binuksan niya iyon at tsaka nauna narin itong pumasok.
"Madame, may mag-aapply daw pong caregiver." Bungad pa nito sa kung sino man ang nasa loob na narinig naman ni Nayomi habang nakatayo lang sya sa labas at naghihintay kung kailan sya nito papapasokin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Caregiver-Notepad
RomanceIsa lamang caregiver si Nayomi Tuazon sa isang multi billionaire bachelor na nagngangalang Severiano 'Seve' Walton na na-paralyze ng dahil sa isang malagim na aksidente. Nang dahil din sa aksidenteng iyon ay hindi na ito muling nakapagsalita pa dahi...