CHAPTER 18

110 7 2
                                    

Kakatapos lang ng horror movie na pinapanood nina Nayomi at Seve, at kakalabas lang din nila sa cinema nang makasalubong nila si Mrs. Walton na kakalabas lang din mula sa elevator.

"So what is going on here?" Pambungad nitong tanong na may pag-uusisa. Nakita nya kasi nito ang anak na nakangiti at mukhang masaya na hindi naman madalas na nangyayari.

"Umm nanood lang po kami ng horror movie ma'am." Tugon ni Nayomi na tila walang alam sa palihim na pangiti-ngiti ng kanyang among lalaki. Actually, pinagtatawanan pa nga sya nito ng patago. Mukhang hindi pa ata nakaka-move sa mga nangyari kanina. Pero syempre para hindi mapikon si Nayomi, hindi nalang niya iyon pinapahalata dito.

"Hmm. And it seems like you have fun?" May panakanaka pang sabi ni Mrs. Walton habang naka-cross arms at palihim na sumulyap sa anak. Dahil dun, medyo nagtaka naman si Nayomi kung kaya naman ay sinilip nya din ito mula sa likuran. At doon nalang din niya napagtanto na palihim na naman pala syang pinagtatawanan ito.

"Ahhh hehe. Si sir po mukhang nag-enjoy, nag-enjoy po sa pang-aasar sa'kin." Tugon nalang ni Nayomi sabay tingin sa gawi ni Mrs. Walton. Dahil sa sinabi niyang iyon ay napabulaslas na nga ng tawa si Seve na mas lalo pang ikinainis niya ngunit dahil din dun ay napangiti nalang si Mrs. Walton.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan ha?!" Inis na inis na wika ni Nayomi sabay lingon kay Seve ngunit mukhang wala lang itong narinig mula sa kanya.

Ilang saglit lang, napabaling naman ang attention ni Nayomi kay Mrs. Walton ng marinig nya itong tumawa rin ng mahina. Maya-maya lang ay napansin nya naman itong naglakad palapit sa kanya.

"Just let him be. Ngayon nya lang ulit ginawa 'to." Pabulong pang sabi nito sa kanya na nagpawala ng inis na nararamdaman nya para sa binata. Napagtanto nya kasi na dahil dun mas lalo pa itong nagiging mas masayahin kaya anong dahilan para kainisan nya ito? Mas mabuti na nga yong sumaya ito kasi sa pamamagitan nun, mas magiging posibo ito sa mga bagay-bagay. Kaya nga naisip nalang niya na di bale nalang pang-aasar nito sa kanya kung ang kapalit naman nun ay ang kasiyahan nya.

===

"The meeting is over. Thank you for coming." Ani Mr. Walton sa mga ka-business partners niya sabay tayo. Nagsitayoan narin ang mga ito at nakipagkamay isa-isa sa kanya.

"Good job Vanju I never expected to your new strategy para tumaas ang sales ng company." Papuri pa sa kanya ng isa nyang kasosyo na si Mr. Loysaga.

"Thank you Nathan, I just do what I think that I supposed to do." Tugon naman ni Mr. Walton sa papuri ni Mr. Loysaga sa kanya. At pagkatapos nun ay naghiwalay narin sila. Kinakailangan na kasing umalis ni Mr. Loysaga dahil may ibang business meeting pa ito. Samantalang si Mr. Walton naman ay naiwan sa conference room dahil may hinihintay pa syang tao na kailangan nyang kausapin.

Makalipas ang ilang minutong paghihintay, sa wakas dumating din ito, ang detective na kinuha nya two years ago para malutas ang aksidenteng nangyari kay Seve at kung sino ang nasa likod ng mga ito.

Hanggang ngayon kasi ay wala parin silang lead kung sino ang nagtanggal sa brake ng sasakyan ni Seve noon dahil talagang plansado ang pagkakagawa. Pati nga CCTV potage ng mangyari yon ay hindi na nila mahagilap dahil may kumuha na.

"Detective Tan, what's the latest news about my son's case?" Pambungad na tanong ni Mr. Walton kay detective Tan at nakipag-shake hands dito. Sabay rin silang umupo sa magkabilang upuan at doon na nagsimulang mag-usap ng masinsinan.

"Actually, hindi parin nate-trace ng grupo ko kung sino talaga ang taong iyon but don't worry, we're doing the best that we can do para ma-trace ang taong yon." Pagpapaliwanag nito na bahagyang nagbigay ng disappointment kay Mr. Walton. "Anyway Mr. Walton, may naiisip kaming paraan kung papaano papalitawin ang taong iyon." Dagdag pa nito na bahagya namang ipinagtaka ni Mr. Walton.

The Billionaire's Caregiver-NotepadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon