Pagkarating ni Nayomi sa silid ni Seve ay gising na nga ito at mukhang nababagot na doon sa kakahiga. Halatang halata kasi sa itsura nito na gusto naman nitong bumangon pero hindi naman nito magawa. Kaya naman si Nayomi nalang ang gagawa ng bagay nayon para sa kanya.
"Mukhang bored na bored napo kayo dito ah?" Bungad nya pa kay Seve na kaagad namang napalingon sa kanya na ngayon ay nakatayo lang sa tabi ng kama nito. "Saan nyo ba gustong pumunta, sa garden sa baba o sa veranda?" Pagpapatuloy pa niya.
Kaagad lang naman napaturo ang daliri nito papunta sa veranda ng kwarto nya sa halip na magsulat pa ito sa notepad. Mukha kasing tinatamad ito magsulat. Eh sino ba naman kasing may ganang magsulat na bagong gising, hindi ba?
===
Ngayon ay nasa veranda/balcony na sila ng kwarto ni Seve. Nakaupo lang ito sa wheelchair habang si Nayomi naman ay nakatayo lang sa bandang likuran niya.
Maya maya lang, bigla nalang inabot ni Seve ang notepad niya kay Nayomi at mabilis naman niya itong tinanggap. Doon nya lang din napagtanto na kaya naman pala nito iyon ibinigay sa kanya ay dahil may isinulat ito doon na gusto nitong mabasa niya.
'Any quotes or sayings about the sunrise?'
Dahil dun ay bahagya nalang syang napangiti. Hindi naman iyon nakita ni Seve dahil deretso lang itong nakatingala sa kalangitan.
"Umm mag-iisip po ako. Wait lang." Sagot pa niya habang nag-iisip ng mga kasabihan na maaari niyang ibahagi sa binata. "Ahh ito, mula kay Suzy Kassem. Ang sabi nya, 'Each day is born with a sunrise
and ends in a sunset, the same way we open our eyes to see the light, and close them to hear the dark. You have no control over how your story begins or ends.
But by now, you should know that all things have an ending.
Every spark returns to darkness. Every sound returns to silence. And every flower returns to sleep with the earth.
The journey of the sun
and moon is predictable. But yours, is your ultimate ART'." Wika ni Nayomi. Matapos nyang sabihin iyon ay laking gulat nya nalang ng bigla nalang paikotin ni Seve ang wheelchair nya paharap sa kanya at bigla nalang din nitong agawin ang notepad nya na kanina pa hawak-hawak ni Nayomi.Nakita nalang din niya na bigla nalang itong nagsulat at pagkatapos ay ipinabasa rin naman kaagad sa kanya.
'Elaborate please. Base in your own understanding.'
Napakamot nalang siya sa ulo nya. Nakapa-demanding kasi. Nanghihingi pa ng self explanation eh nakakaintindi naman ng English
Inaayos nya muna ang lalamonan nya ng bigla nalang nag-crack ang boses nya ng magsalita sya. "Aaherm. Umm hindi ba pupwedeng yon nalang yon sir?" Pabiro pa nyang tanong.
Napailing-iling lang si Seve sa kanya bilang tugon nito kaya naman ay wala nang iba pang nagawa si Nayomi kundi ibahagi sa kanya ang pagkakaintindi nya sa kasabihang nabanggit nya kanina.
Napahinga muna sya ng malalim bago nag-umpisang magpaliwanag.
"Kasi sir para saakin, sunrise is a new beginning. Sunrise is where you can start something new na kahit dumating man ang gabi ng kahapon sayo, mga kabigoan, mga sakit na iniinda mo sa kaloob-looban ay dapat matoto ka paring bumangon. Oo, lahat ng umaga ay nagtatapos sa gabi, pero hindi lahat ng pangyayari nagtatapos sa trahedya. Kasi nasa sayo naman yon kung papaano mo bibigyan ng kataposan ang lahat eh, kasi buhay mo yan. Ang sabi pa nga ni Suzy sa mga huling linya ng quote nya: 'The journey of the sun and moon is predictable. But yours is your ultimate ART'. Kaya kung ako sayo, pipiliin kong maging masaya ang ending ng buhay ko kasi sabi nga nila: 'there's no such thing in the world as happy ending', pero naniniwala ako that happiness is your choice. So I'll choose happiness than solitude to end everything kasi para saakin, happiness is the ultimate legacy that everyone could left behind. Hindi ka nga mayaman at walang maipapamanang kayamanan pero at least masaya ka. Indeed. Ganern." Pagsasalaysay pa ni Nayomi na nahihimigan ng sobrang pagkaseryoso.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Caregiver-Notepad
RomanceIsa lamang caregiver si Nayomi Tuazon sa isang multi billionaire bachelor na nagngangalang Severiano 'Seve' Walton na na-paralyze ng dahil sa isang malagim na aksidente. Nang dahil din sa aksidenteng iyon ay hindi na ito muling nakapagsalita pa dahi...